go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for April, 2008

April 1st, 2008

amuse me...with cheese crackers.
POSTED AT 12:08 PM

1
sa sabado na.
sa sabado.

excited nako.
rawr!

sana walang palya ang mga iplinano.
ung dalwa: sa team andromeda at sa college dabarkads,
kase kung mangyayare un, super madedisappoint ako ng todo.
tpos magtatampo ako.
tpos nde ko rereplyan mga text nyo.
buburahin nkita sa phone book.
buburahin nkita sa friendster.
nde...joke lang un.


from nung kasal ni TL, sa sabado lang ulet.


from the last movie date, sa sabado lang ulet.

dahil time is gold,




lets com'on!

2
nahuli ang mga kolorum na bus at ang ilan dito e ung mga "magagandang bus" na gustong gusto kong sakyan...hay sayang. sana pati bulok na bus hulihin na at ipakilo.

bisyo ko na ngaung sumakay ng FX pauwi smen, ung may terminal sa baba ng north ave station, kse komportable e.

3
im forever 6am and 8am na sked (ata)! but i so-so like it naman..
ok na un..

4
ambord!

5
zzzzzzzzzz..nde ko type bagong control panel ng tabulas.

NEWS BREAK!!!

6
ATOM ARAULLO: namataan sa Loop, ngaun-ngaun lang!
usually, bumababa kme ni ate pet sa loop kpag 2nd gap na ng wowowee para bumili ng pagkain --usually sa Tapsicab. Pero ngaun lang nangyare na nde ako bumababa kse, binabantayan ko ang kinacapture ni Nathan na show sa ANC. waaaah!




azar.

7
dahil may 3 hrs pako..
maraming oras na un pra sa cheesiness.
meron kse mga movies dito (syempre ng Star Cinema),
at maraming movies pa sa darating na araw..



waaahh..crackers na lang ang kulang.


April 3rd, 2008

Will Work for LUHO.. pwera hangin
POSTED AT 11:57 AM

as an official kafamilee employee, aside from bottomless access sa internet, we have this non-legit privilege of watching movies sa mga drive ng tech.
pero mabibilang lang sa daliri sa kaliwang kamay ko natry un, at nde pa un movie kundi mga entries sa Pringles. madalas lang nmn to nangyayare kapag walang betacam meaning walang mpeg at wala tatrabahuhin or either tpos na tpos ka na sa shows.
and as of the moment parang naka-dolby surround ang pc ni nathan na kasalukuyang nanunuod ng The Simpsons.

ma-try nga some other time. baka sa linggo.

as to some, gusto nilang isipin mong angat sila sau.
teka. teka. mali. mali.
gusto nilang isipin mo na magaling sila keysa sau
at gusto nilang akalain mo un sabay ipadama mo.
wag mo akong hahanginan, medyo iritable ako ngaun. blah!
--

Malu-Bye bye na sa Top 8. *sad
Pero ang bet ko tlaga dun si David Cook.
Pangalawa si Brooke White.

Pero Top 24 plang ata e
ang sinisigaw na ng audience e David Archuleta.






cheesy movie #2
POSTED AT 02:35 PM

for another cheesiness pamatay oras
(at tumatrabaho ng Marina on the side--baliktad ata,
dapat trabaho oversiding panunuod ng mga cheesy movies--owel)
yet another..one of those John Lloyd - Bea formula movie..





Ready the crackers and monay..



alas 4 to go..

*edit
dahil asiwa ako at nagpapasalamat na nde ko to napanuod maski trip lang, sa sinehan..kaya dito nala ako sa..

..kubeta ang katapat ng diploma mo..






April 6th, 2008

the super day
POSTED AT 08:18 AM

2 hours lang ang tulog ko ngaun pero ayos lang..
ang masaya pa nyan nde ako late kht manakit nakit ang mga kalamnan ko kakaharot namen sa videoke with my college dabarkads. saya grabeh!

REWIND <<<< REWIND <<<<<<

alas 8 ng umaga, nagtext si pat (o si jill ata) kung asan ako, dhil nasa bahay na sila ni ate odith. krus na ligas in the place to be.

pero it takes 2 hours para bumangon sa kama-magalmusal-maligo-magayos-magblower-magtutbras-mamili ng damit-tumunganag ng onte and all that siht. tpos ang inet pa. pagpapawisan ka at madedelay ka pa tuloy ng 5 mins.

11am na nung nakarating ako sa mansyon nila ate odith. medyo pagod na ren sila kase galeng pa sila sa shift nila nun. may mga newbies na den akong nadatnan. andun si TL, si jill, si patrick, si ate jeannie at si donn. wla si TJ at phoebe

kwentuhan to the max at plano sa summer outing ng team (na makiki-epal nanaman ulet ako hehe). eto ang namimiss ko dito sa ABS. ung kwentuhan, tawanan, inuman, mas ang friendship..kase walang TEAM ANDROMEDA khit Kafamilee nko ng 4 mons..

after ng init ng katanghalian sa diliman, pak ap na kme around
1:30 PM tirik na araw. nde na dapat ako uuwi dhil may isa pang glug glugan ng 5PM sa san juan. pero ang init kse.


FAST >>>>>>>>> FORWARD >>>>>>>>>>>>

1 hour late ako sa Centerpoint.

PAUSE.
picture muna.
PLAY ulet.
binigay sa ken ni monds ang Sa Wakas,
1st album ng Sugarfree..
sa wakas. (tenchu..sobra akong masaya monds! )
6PM (pause. picturan galore) na kme nakapunt sa (nakalimutan ko name ng) bar, kung san kme bubusugin (pause. picturan) at mamaayos (pause.picturan). Andun si rohbert, monds, gienah, janice, barney at vannie the bday ka-sib. (pause.picturan ulet)

SUPER FORWARD >>>

nagpasama si Gienah pumunta ng Cybermall, Eastwood dhil may kukunin syang sumthing, at super nakakatuwa dhil ngaun lang ako ult nakapunta dun ng gnung oras. hehe para akong papasok ulet. habang nasa yoyosi break sila TJ at ate odith sa may labas ng 7/11..whehe nakakamiss. umakyat kme sa floor ng SITEL, taga sitel kse si gienah. tpos after nun, pumanik kme ng 29th floor (pause.picturan), hehe nakakamiss ung amoy ng ops khit nde ako nakapasok maski sa pantry..after 3 mins bumalik n ulet kme san juan.


re-hire daw!

may ganito ganito na ngaun at carpet sa 2nd floor wow.



humabol din si jeck na last kong nakita pa e nung graduation sa PICC.
(pause.picturan)

nakarating ako ng mga ng 1:30AM.
knocked out sa kama around 2AM.

*repeat from the top til fade.
--

pictures soon..nde pa upload ni monds. abang na abang nako..







April 7th, 2008

visual aid ng super day, happy hour
POSTED AT 09:31 AM

literal na walang pahinga ang whole day ng april 5, saburday.
at kailangan ko na atang mag-liver aid after ng araw na yun pero ikinain ko na lang ng tapsi at ung ulam na masarap, parang buttered adobo..nde ako sure pero masarap tlaga, dun sa bar ng pinsan ni vannie.




**more pics sa multiply**





April 8th, 2008

pangonkontra sa mediocrity
POSTED AT 03:37 PM

mahirap labanan ang katamaran. dapat lagi kang may lista ng gagawin mo para nde ka mabored sa buhay.

after matapos ang trabaho, ito tlga ang hirap ang magkaroon ng susunod na gagawen. after ng mga shows, tae 3-4 hrs of bottomless youtubing, movie watching, at kung anu ano pa to keep the hrs busy. ako minsan khit nde ko na show, willing na willing akong gawen, kaya e2 may bago tuloy akong show, ung Marina. kaya sobrang pleased ako dhil may mga magagandang mp3 collection ang mga taga-tech na ninanakaw ko at nilalagay ko sa mp3 ko. bwahaha..

ika nga, mas ok ang gumagawa ng wala keysa walang ginagawa.

dapat kse ibalik sa 6hrs ang working hrs dito..waahh! hehe para pwede akong rumaket na iba.
pero khit 8-9 hrs ang trabaho pwede pren ako rumaket e ang problema ko lang, wla akong mahanap. (isa un sa iniisip ko)

pero marami akong naiisip gawin aside lang sa trabaho ko. ngaun nga nangongolekta akong mineral bottles o khit bote ng C2, marami na nga ako nakokolekta tpos ang goal ko kpag napuno ko ung malaking plastic bag sa bahay, ibebenta ko sa junk shop. tpos sa friday, gusto ko ire-arrange salas. tpos ayusin ang mga dvd. maglinis ng bahay. magwalis ng mga tae ng aso tuwing umaga. tpos magDVD marathon, umpisahan ang Prison Break season 3. kumain ng halu-halo. tpusing ang mga librong nde natapos basahin. at kung anu ano pang mga katarantaduhan ngaun summer.


malikot ang kamay pag sobrang free time
(likod ng alchohol)



April 9th, 2008

Ideas for sale. Call me.
POSTED AT 03:57 PM

i saw the print ad of Bonamine sa Adobo mag super long time ago. super naastigan ako sa konsepto and all. way back in college i was into this concepts for ads. i even directed different tvc na pang fill sa variety show namen nung 3rd year. konsepto ko, camera ko, tpos ang artista ko mga classmates ko lang den. about effectivity of mobile ads in filipino commuters ang thesis ko nga nun, hanggang sa lalu ako nahumaling sa TV prod. pero parehas kong mahal ang dalawa dahil sa iisang bagay: madugong brainstorming at conceptualization.

pero asteeg tlaga to. video hopping. watch mo.





e2 ung print ad nun..Ad of the month nung nakita ko sa Adobo mag couple of years ago.



madame ren akong ideya.
gusto kong ipagbili
pang bili ng iTouch at erkon.
Call me JWT, Saatchi & Saatchi, Harrisson Communication.. andito lang ako. XP


April 10th, 2008

i wonder what color is ur energy..
POSTED AT 11:41 AM

nde ko alam kung malulungkot ako
maiinis
magtataka

hindi maawa na lang ako sa mga taong puros negatibo ang aura sa buhay. puro bitterness. nakakaawa.
kse nakalimutan na nila ang ngumiti,
ang salitang happiness
at korni jokes.

at dhil dun, para silang empty.

tsk
tsk
tsk


April 13th, 2008

sticker happy
POSTED AT 08:32 AM

1 alam ko multi tasking is a skill pero
nde ko alam may bagong skill na ngaun..

preferred naren pla ngaun ang nice looking
makapasa kaya ako?! hehehehe

2 may 1 week na kong utang na Crackeru kay men men, meaning 7 Crackeru na ang utang ko. kase nanalo sya ng sa sharades nameng dalawa tsk!

3 sana masarap ang handa sa binyag ni Yuchang mamaya.

4 naghahanap ako ng part time job. pero nahihirapan akong magisip kung ano.

5 ok magsoundtrip ngaun sa office, 3 lang kme dito at lang pakelaman! turn that volume up up up!

6 masarap din umebs sa CR kapag maraming tissue.

7 pansinin mo wlang desenteng programa sa primetime ngaun.
nde ko ren dig ang PBB Teen Edition Plus. ikaw?

8 bibili ako ng payong mamaya pramis fo real na to nth time!

blah.

trash entry.



April 14th, 2008

kalat kalat na pag-ulan
POSTED AT 03:16 PM

biglang sulyap.
(*tae nahuli pa ko ni tere na pasimple nyaR!)

kaya pala bigalang umingay sa row sa likod ko
kung san nakaposisyon ang mga PBB writers (for website)
at nakaposisyon naren for a quick photo op.



pero mas maganda sna kung nagpapiktyur din ako..



kaya lang nagpramis na ko kay atom na sya unang kapiktyuran ko...whahaha! blah.. XP
--

its a super
nakakamigraine-dhil-walang-songbook-at-manual-sa-TV-ka-mamimili-ng-song-mo-English-o-Tagalog-may-number-o-wala day
after work kahapon kela lola.
nagvideoke kme at kumain at nag-kwentuhan (interviewhan)
ng malalayong kamag-anak (literal) sa side ni Papa.
Speaking of Papa, uuwi na sya sa katapusan.
nakita ko na nga ren pla at last ang inaanak ko sa pinsan ko.
nde kse ako nakapunta last sunday sa binyag nya.
speaking of anak, ang tanong ng buong angkan..

"..kelan ka mag-aasawa?"

taena.
im just 22. naguumpisa pa lang akong mabuhay.
nageestablish pa lang ng career at pumupuno pa lang ng bank account. nagpapaagos sa mga lakwatsera kong mga paa.
ito ang time ng buhay para
magsumikap
magenjoy
magtaka
madapa
mamili ng template ng buhay mo
kse freestyle na ang lahat.

nung college ang sbe, wag muna mag-aasawa.
after grad ang tanong, kelan ka magaasawa.
'guess you have to make a miracle in between those phase.
like mabuntis or something. medyo weird ang kultura.

natapos ang araw na sakay kme ng tricycle from caloocan to our house (karuhatan, valenzuela city) sa pagdarasal na hindi kme mahagip ng mga bus pa-Malanday sa McArthur highway.
katakot!

knocked out ulet ako.


us @ lola's



--

akinse na bukas! :D


April 15th, 2008

3 bulok and a half
POSTED AT 12:14 PM

super nakakatamad pumasok knina. pinaghalong katamaran at lamig ng panahon. (2 araw na kseng umuulan ngaun) pero ang mas nakakatamad pa e ung matatapos mo yung trabaho ng 3 oras lang at may 5 oras ka pa, para mag-out.

iniisip ko na lang 2 araw na lang ulet at off ko na. yehey! clap clap!

naalimpungatan pa ko ng alas 3AM sa text msg ni Andoy.
na kung nde gudm0rning.. o gudm0rning gem..
e gudnyt..Mwah.. lang(?!)

korek.
nde sya nagfoforward o nangangamusta o nangungulet sa text.
puros ganyan lang. sinubukan kong replyan ng gudm0rning dn
pero nde na nya ako nireplyan ulet. kaya ewan ko kung may automatic send ung fon nya, simula nun nde ko nren sya nirereplyan o maski forwardan ng chain text.

mas maappreciate ko sana kung every morning may P30 auto load ako. hehe joke lang...

gutom na ko. pero hinihintay ko pang magkalaman ang ATM ko.
meaning la pren sweldo maski akinse na.
EPIC bulok!

i thank you.
bow.

=====
edit 04/16/2008 8:30AM
ngaun lang pumasok sa ATM ang sweldo.
wahh..
yehey!!

=====
edit 04/16/2008 11:11AM
kkainis pangit ng gupit ko! -Andoy

uy bago.




April 16th, 2008

wooot?!
POSTED AT 02:32 PM

to my fellow ka-tabulas. do you guys have a "Mixtape" uploaded in your Content Pages sa sites nyo?!

kase meron ako. Mixtape consist of a 484 song playlist ng mga indie songs na wala akong natatandaang inupload dito sa tabulas ko. just wondering, im figuring out baka kako promotions ng tabulas or nang http://hideout.ning.com/
kse kung nde..

sino ang naglagay nito dito?







wah mumu. :-0
--

i checked hideout.ning.com para pala syang music exchange ng mga tao. umpisa plang ata to e, kse pang #580 member plang ako. basically, music webite sya, pero pwede reng magupload videos at magblog. may parang guest book ren like multiply. pictures arent that of a emphasis ng site, kse music site sila etc. pero steeg ung templates nila kse maganda ren tpos pwde mo pang lalu i-customize. checked pero 2 lang ata kmeng pinoy dun mostly tga southern part sa states e. ililink ko sana dito kaya lang ayaw gumana pero ito yung page ko.



April 17th, 2008

pasalubong?
POSTED AT 01:41 PM

"Anong gusto mo raw pasalubong, sbe ni Papa mo?"





o kaya





"...mahal daw un ah?!?!"



e sinagot ko lang nmn ung tanong e..anukeyeyun?!



April 18th, 2008

libreng sakay, libreng friendliness
POSTED AT 11:30 AM

masaya akong pumasok sa office---kahit late!
kase nakalibre ako sa pamasahe.











at in an instant willing ang lahat makipagkwentuhan.
at sa tulad kong first time sa Libreng Sakay ng UNTV channel 37
at ni Ang Dating Daan's Bro. Eli Soriano..
-2 ang libreng sakay bus
-isang pabaclaran (south bound)
-isang pamalanday (north bound)
-mondays to fridays
-twice a day: 5:30AM at 6:00PM
-libre ito fo real!

akala ng aleng katabi ko may strike or sumthing.
ang akala ko nmn, bibigyan naren kme ng tig-iisang kilong bigas.
tapos sasapi na kme sa sekta nila
at makikipag-war sa mga taga-Iglesia..

pero natutuwa tlga ako kase libre e.

kaya anu pang hinihintay nyo sakay na!
tulad nung aleng katabi ko
na nagpramis na aabangan nya ang bus everyday
para makalibre sa pamasahe..




April 21st, 2008

kung ganito ba ang food court sa SM..
POSTED AT 03:37 PM







...makakain k pa ba?




The musical food court.

*nang dahil sa paiistumble, madami akong natututunan.


April 24th, 2008

can we still be friends?
POSTED AT 10:37 AM























pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan


ok lang bang palitan na kita?


http://gemanaginip.livejournal.com/


^^^


it's not you, just click me.



Gunita sa Lupalop ng Pagtunganga


2004 - 2008





Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: