go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for February, 2008

February 1st, 2008

usapang tra---BAHO! blah!
POSTED AT 11:00 AM

may kwento dapat ako ngaun kaya lang wlang silbi ang kwento sken kung wlang visual aid..hehe

makikibati nren ako ng advance happy valentine's sa pipol of the world..

nde ko lam kung bket may time pa ko mag-blog sa hectic ng trabaho ko ngaun. 3 shows ako ngaun (2 mahahaba at 1 keri lang): Umagang Kay Ganda (as always na may 10-11 gaps), mmk classic (si eric quizon at karmina ang bida ngaun, mga bgong kasal daw sila at nagkasakit sa utak si eric quizon kaya muntik na syang hiwalayan ni karmina pero nanaig! ...ang kanilang love, mga gnung chenez) tska mornings@anc, sa filipino channel ata. nde ako sure.

sana by exactly 1pm tapos ko na to. after sumasabay pa ung isang PC, nagtotopak na ewan reason why i have to do mmk classic all over again. anyway, mabilis lang nmn ung show na may 4 gaps. pero, now that im using only 1 pc, i hope ma-achieve ko ang goal kong yun. ahh

ahahaha..nakuha ko na nga pala ang bagong ATM ko, mahabang story pero buti nlang. off ko kse kahapon so nde ko nakuha nung binigay ng mga taga EPIC.

tsong lam mo feeling ko tlaga kalokohan ang coop na un. pfft. ok ill spill it out..since talent ko nmn ang multi-tasking. kse gnito un. we (IJM employees) started the year na jumoin sa EPIC. we basically have no choice, since mandatory to kse nde RAW marerenew ang contract sa mga non members.
wow patayin sa sindakan si nylammeg!

pero nde ok lang nmn sken un dhil sbe nga ni Vannie, "stepping stone" ko ang interactive. after a year try ko na mag-production.

at sa susunod na tanong sken Taga ABS ka? anong show mo?"
appropriate na sya. nde ko na kelangan magexplain how iPTV wonder works.


Ito si po Gemmalyn Tapar..(proud to be..)
steady lang kapamilya!

rawr..
--


wala kinalaman ang pic na itech sa kung ano ang entry ko. reminder lang na malapit nanaman kme magkasama ahahaha! bday na ni bullying baldo! san tau huyyY!



ayun ako sa dulo..tae parang laseng ampf. ahahah!



February 4th, 2008

Tagu-taguan maliwanag ang moon
POSTED AT 08:46 AM

Manong, lam nyo po ba kung san merong mabait, thoughtful, gentleman, sweet, understanding, maganda pananaw sa buhay, positibo, magalang, mas mahaba ang pasensya sken at totoong lalake?

Kanan ka, diretso may tindahan don, magtanong ka ulet.

Ahh, eh. Ok, next lifetime na lang po.




Happy Valentine's Day!




P.S.
off ko un sa thursday..la lang share ko lang..

P.P.S.
eto ang mapapala mo kapag nde mo mahanap sa internet ang picture ng Jolina Dolls..
--

ano nmn gagawin ko sa 4 oras kung tpos n ang trabaho?! dapat may additional pay!


February 6th, 2008

Baul Atbp
POSTED AT 09:12 AM







habang abala nmn ako sa pag-scan ng kung anu ano, nakita ko to baul..


dated back 2004, 3rd year college, 2nd sem. Radio and Speech sa CDL Radio Room, class of Dr. Claire Manalo. Madalas kme mag YM ni monds (badjawong dito sa tabulas) sa papel. tingin ko e2 paren ang motto nya sa buhay hanggang ngaun 2008..
--

dumaan akong mall after work, coming soon nren pala sa sinehan ang JUNO..hehe
pero.
pero..



i wanted to watch PS I Love You ni Hilary Swank at Gerard Butler, ganda nung trailer nya tska mukhang maganda ang story. Pero walang korning gustong sumama kesyo allergic sa love story(ehem ehem), kesyo napanuod na nila, kesyo ayaw nila at marami pang ibang kesyo. Aktwali meron nman pwede pero...parang gusto ko ng ibang kasama..ahahah! Bad! super recommended din naman ang Sweeney Todd ni Tim Burton na sya rin nmang behind sa Big Fish, Charlie and the Chocolate Factory etc.. pero baka makakuha na si glenn ng DVD copy sa suki nya.

anyhoooo, mamaya pa ko 4pm lalaya dito, as ate pet puts it. hehe kaya nga binabagalan ko na ang trabaho ko para kasya sa oras. tipong 1 flasking at a time nalang para enuf ang oras kase kung nde, mabubulok ako sa boredom at baka maisipan ko lang mamakyaw ng pagkain sa ministop at kumain ng kumain ng kumain..
--

pwede ka rin palang magpalagay ng ash sa studio 1, pero ngaun ko lang nalaman kung kelan nakapanik na ulet ako dito. pero baka sa holy cross nalang ako humabol ng misa ngaung Ash Wednesday (I need to insert that, in case nakalimutan mo na!)
--

ganda nga pla ng panaginip ko kanina. hehe parang malapit na sya Manong! tipong ngaung lifetime na habang tao pa kame. *kilig


February 7th, 2008

Pure boredom and hyperMSG-ness
POSTED AT 11:34 AM

syempre may maiihihiling pa ko.

kung minsan may ganitong mga moments sa buhay mo e noh..
parang after ng level 1, level 2 naman.

tsk.
kung anu ano napapansin ko ngaung wla na kong show. simula nung monday konte nalang mga betacam dito sa office kaya nagpapanggap n kme after ng mga shows nmen. after ng live show mo kse betacam nmn kung kaya isinisiksik at pinagkakasya ko sa oras ko tlaga ang pagfaflask ng UKG. ung mga betcam kse na un ung mga old shows ng ABS. may mga betacam ng MMK classic, ang TV (aliw to panuorin!), star drama presents, goin' bananas, abangan ang susunod na kabanata, flames..ung mga ganun. kse nireresquest din kse tong mga shows na to ng mga customers ng iPTV.

mahirap magkunyareng may ginagawa ka.
mahirap mag-make believe.
mag-try to look busy.
pero at least gumagawa ka ng wala keysa walang ginagawa.

hanggang alas4 pa naman na ako, for the whole month of looove.
ubos na ang mga interesanteng blogs, interesanteng videos, interesanteng kausap, interesanteng misadventures, interesanteng...



Lord,
ulanin
nyo
po
kme
ng
maraming
Betacams.



may 2 types ng betacam.
at
iba nga pla ang Betacam tape sa Betamax.
share ko lang..



February 10th, 2008

Kulapelikula
POSTED AT 07:46 AM












Tulad ng description ng Wikipedia "..isang Pelikulang makapigil hininga (suspense)..". Bida dito si Ace Vergel, teen-ager na si Snooky Cerna at Louella Albornoz, na sinubukan ko namang hanapin, nakasama nya pala noon si Vilma Santos at Lito Lapid sa pelikulang Yakapin Mo Ako Lalaking Matapang, isang lab story nuong 1980.

Alam kong hindi ito common interest ng marami aside sken pero nashare ko lang naman, ito kse ang tinatrabaho ko now na.

Wala lang fascinated ako sa mga movies noong unang panahon tulad ng pagka-aliw ko sa mga litrato ng tita ko nuong 50's-60's.

Dininig nga pala ni Papa Jesas ang hiling kong mga betacams. after nito may MMK Classic ako at Abangan..tpos Wansapanataym, bahala na kung may oras pa. Enough of mediocrity. hehe

Napanuod ko na nga pala etong drama/ prison break movie, Shawshank Redemption (1994) ni Tim Robbins at Morgan Freeman. Meron pala kame nitong kopya sa 12 in 1 na DVD.

Ang wish ko lang sana nde ko pa napanuod ang Prison Break. Sana una ko tong napanuod keysa don. Same location lang din ang pinangyarihan ng Prison Break at Shawshank (bigkasin mong mabilis habang may pulburon) Redemption. Maganda ang movie na ito sobra, kaya lang nga nde ko maiwasang ikumpara o maalala ung Prison Break dahil may pagkakahawig sila ng story, ilang characters at ung location nga pare! May scene nga one time, napapa "oi, yan ung selda si Sucre ahh!" ung mga gnung moments bah.. pero ok naman sa olrayt ung pelikula. Peyborit ko naren to, Andoy.

at kung tatanungin ako kung sino mas matalino,
si Andy Dufresne (Tim Robbins) ba
o si Michael Scofield (Wentworth Miller)?
Syempre si Andy Dufresne na.

kung tatanungin nman ako sino mas pogi?
Syempre si Michael Scofield!!!

Totoo bang bading sya sa real life?
Anu ba yan lahat na lang ng type ko juding...
wag mo sbhin si Atom Araullo juding den, uupakan kita!





February 11th, 2008

Papa
POSTED AT 06:30 AM

*nagaalala ako kay papa, kase ooperahan raw sya. nung friday ba naman tumawag smen sa bahay sbe ooperahan na sya kinabukasan. ang problema pa, andun sya sa saudi, nde nmen sya nakikita at maalagaan. pero buti nalang pinagpahinga muna sya ng doktor, tska tinitingnan kung makukuha nmn ng gamot. nag 3 way pa sila ni tito buboy sa US para nren iassure si mama cguro tska si papa, na magiging ok ang lahat. doble prayers. pero feeling ko naman magiging ok si papa. keri nya un. kekembotan nya lang un. *


February 13th, 2008

Multiple Exposure
POSTED AT 08:51 AM

nde ako nakapunta sa UP fair kahapon,
ewan ko lang kay arvin kung natuloy sya.
malamang natuloy paren sya.
tinonsilities kse akong monday night
at medyo ilusyong nilalagnat.
pero inagapan ko nmn ng gamot.
kaya tingin ko OK n ko ngaun, khit mdyo msakit preng lumulon.

khapon ko lang napanuod ang Erin Brockovich hehe
habang sinisimot ko ang mga pelikula sa mga 12 in 1
at after kong mapanuod ang Sweeney Todd, na nadadarkan ako.
--

nakakatuwa ng makita ang mga batchmates mong malayo ang narating. may mga stewardess na, may dala-dalawa ang trabaho, may nasa abroad nagtatrabaho, may nasa GMA, meron din dito sa ABS, merong promoted sa mga trabaho nila, merong bum, merong call center agent, merong TL na, merong may asawa na, merong may anak na, meron steady lang, merong sila paren tipong "asawa na to", merong nag-break na after grad, meron friends paren for life haha! at meron din nmang may TV exposure..


Sya si makoy, ang balita ko nagtatrabaho sya sa Human Resources ng isang big time company, nde ko lam wat company, pero nagulat lang din akong nkita ko sya habang tinatrabaho ko tong UKG. paulit ulit ko nga drinag to baka kako kamukha nya lang pero nde! o diba ganyan ang ABMCB sec A..tumitingin sa camera..hehe nde nmn kme ganun ka-close tama lang, naging kaklase ko ren sya nung section A ako. Si makoy ang active sa Student Council at numero uno sa Recognition noon nasa TV na. Big Time.


do the locomotion!


ayan meron nren syang internet exposure.


February 14th, 2008

he's not gonna me
POSTED AT 12:24 PM









hapi balentayms to all



tnx blog hopping madness


February 17th, 2008

field demo pics + papa part 2
POSTED AT 09:34 AM











field demo ni men men nung friday buti off ko.
--

*kahapon inoperahan si Papa, nagpapahinga na lang sya from operation. OK naman daw ang lahat. 2 days sya pinagpapahinga ng doktor dun.

kaya masaya ako. masaya kame. hehe



February 18th, 2008

field demo at photojournalists
POSTED AT 06:28 AM

ang mga magulang ay may dugong photojournalist na makikita lamang kapag nagfield demo na ang kanilang mga anak. agresibo sila. uber subersibo. wala silang sinasanto makakuha lang ang anggulong swak.

field demo ng kapatid ko nung friday. ayoko man bumalikbalik sa OLGA (st. marys academy of caloocan)--where everything is blue and white--, pero isa ito sa mga bagay na kinapaproud ko sa Alma Mater ko.



ikalawa rin dito ang Zero Waste Management, na dito ko lang ata nkita na naging effective at sinusunod, bagay na namiss ko nang nag-college at bagay na nakilala ang st. marys na pinaka-green na skul sa caloocan. pwera pagbubuhat ng bangko. proud din nman ako sa skul ko nun inspite sa mga asar na patakaran at teachers but i guess that’s what makes a school a school, for you to "learn". blah?! hehe..

well well well balik sa mga dugong photojournalist na mga nanay na nde sinanto ang mga prefect of discipline ng grade skul at high skul, nakita ko rin ung ilang mga titser ko noon, ung mga napromote as principal at prefect, merong na-outgrow ang pagiging terror, merong ganun paren, merong wala pareng dateng (tipong kayang i-bully ng estudyante), merong nagpalit ng hairstyle (imagine 90s fully transformed to millenium edition) at kulay ng lipstick, merong tumanda, merong mukhang bumata, merong parang nde tumatanda, merong nagpalit ng apelido at may nanatiling Miss. habang hinahawi ni Mr. Casimiro ang mga parents sa daan na madadaanan ng mga anak nila, sa crowd kung saan andun ako, masasabe kong masunurin paren ako. parang automatic (na susunod sa boses nya). para kseng mapeprefect (maoopis) ako kapag nde ako tumabi, feeling ko makikilala nya ko khit (almost) isang dekada na ang nakakaraan. pero dhil kasama ko ang mga dapat photjournalists ng TIME magazine at ipinadala sa Iraq o khit sa may Mendiola, iwinaksi ko ang feeling ko na un at sinabe ko sa sarili ko na "hindi mo na ako mamamanduhan!". harhar

pangatlo nga ren pala sa maipagmamalaki ko sa skul na pinanggalingan ko nun e, maganda ang field demonstration namen, seryoso. nde lang un basta field demo. karirness to pare. pabonggahan talaga. nangingitm kame at nagkakakuto kakapraktis sa field noong gradeschool.


i hate this pic! kse distracted tlga ako dito..hehe

PE uniform lang tpos simpleng abaniko with the crip paper in the side. hehe nde pa ko naksabay nyan kse nacoconscious ako sa pagpiktyur sken. kinder 1 ng 1990. naalala ko ang tugtog namen nyan e ung kay francis m. ..mga kababayan! mga kababayan ko dapat na malaman nyo bilib ako sa kulay ko ako ay...pilipino! pero mas bongga ata ngaun..


panis..ang era namen. warla!!


February 20th, 2008

badtreeep >;P
POSTED AT 09:36 AM

super badtrep ako ngaun..

1. late ako nagising.
2. nde umabot sa paradahan/babaan ang tricycle na sinasakyan ko,
anlayo pa tuloy ng nilakad ko.
3. umaambon, at ung binili kong payong nung sat e kinda depektib.
pare bago un! bagoooo!
4. nakalimutan ko pa ung sukli ko sa kundoktor. e 100 pa nmn ang
pera ko, 15 ang pamasahe ko. so nasayang ung 85 pesos ko!
un ang pinaka sa pinaka nakakabadtrip kaya ako badtrip!!

e binabudget ko nga ung pera ko ngaun dhil may lakad ako sa sunday!! tae, para akong nagtaxi. tsk. pero kasalanan ko ren nmn e, nakalimutan kong kunin sa knya ung sukli.
batreeep talaga!
nakakaiyak.
--

(makoy) soulfly ang hirap magisip ng 6 weird things about sa sarili na nde alam ng iba ahh...nakaka-isa palang ako. post ko d2 after ko mabuo ung anim at after ko mahimasmasan sa kabadtripan.
--

nakita ko nga pla ang NEW rivermaya kahapon sa Loop. tumatambay lang, kumakain nmn kme sa tabing table nila. sayang nde ko dala celfon ko, magpapapiktyur sana ako.
--

buti na lang may

James McAvoy sa umaga!
syeeeht!





February 21st, 2008

lomo is looooove
POSTED AT 09:20 AM

these are some pics taken sa lomo cam. 4 pics from palm beach, batangas and ung rest sa field demo ng kapatid ko. click to activate tska para ma-view ng buo at medyo malaki.



finally nakuha ko na ung pinadevelop (aktwali pinafilm to cd ko) kong pics. kuha yan ng HOLGA 120 CFN. nde pa sya cross processed. e2 lang ung ibang shots .since ng madrepress kse ako sa call center nun, itinuon ko attention ko sa lomo. so i bought holga. konte pa lang nmn ang mga pics ko taken ng holga.
tingin ko ren, lomography is a break or even a rebellion to the fast growing megapixels- photography. nakakachallenge din kse back to manual winding after ng kuha, tpos since 120mm films ang usual na gamit na film ng holga, tlagang pahirapan din ang pagbili ng film, mahirap maghanap. at since wlang LCD nde mo kaagad makikita resulta ng kinuhanan mo, natithrill ako. hehe
pwde ren nmn ung usual films na nabibili nten kung san san, 135mm films. i tried that nung december pero nde ko pa nga lang napapdevelop hehe..so i dont how it went out, but soon maybe soon il print those.

ngaun balak ko nmng bumili ng supersampler o d kaya horizon (asa! mahal kaya to!). hehe
e2 ang magiging istura ng pics gamit ang mga cams na yun.


supersampler




horizon
nakaka-inspire! lomo is loooooove





TAG YOU MO REN!
POSTED AT 10:41 AM

The rules: The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don't forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read yours

6 weird things about me that you might not know:

1. gusto kong maging madre nung 8 yrs old ako,may file pa ko nun sa portfolio ko nung nasa st marys ako, na at the end of the year makikita mo. may drawing ako ng isang madre, tpos nakacaption na I wanted to be a ___ when i grow up. naka sulat sa blank ko, nun. ispired by maria at ang pamilya von trapp. (the sound of music cartoons date sa channel 2)

2. mahilig akong magsulat at magdrowing mga little notes mga thoughts and quotations sa nararamdaman o naiisip ko nung moment na un, sketch ng mga profs sa kung san san..sa likod ng notebook nung estudyante palang ako, pero til now may maliit akong notebook na puro ganun. parang isang notebook ng scratch.

3. nung 10 yrs old ako, bago matulog pinupuluputan ko ng kumot ang leeg ko kse ayokong nahahanginan leeg ko, feeling ko may draculang humihinga tpos kakagatin leeg ko.

4. may koleksyon ako ng tiket ng bus. nagstart un nung 4th yr college, pero nde ko un intensyon. andame kseng tiket sa bags ko so naipon ipon na. til now nadadagdagan un, nakaka isang plastic nako.

5. dalawa ang straw ko sa drinks lage kpag nasa fast food. i dont know where the hell that started.

6. gusto kong matutong mag-bike! bahahahike...bahahahahahike. mag-bike...bike...
kse nde ako marunong~


sa wakas natpos ko.
thanks 4 the tags soulfly and princesscha...


TAG YOU! :badjawong, kitongski, mio_pls, mcfLoat, kewleet, pinktonic!


February 25th, 2008

Oscars + People Power I
POSTED AT 12:57 PM

Asiwa ang obvious cuts sa 80th Academy Awards (Oscars). Pero salamat naren kse pre-empted ng 2 show (Boy and Kris, Game KNB) para sa amen. Asiwa din ang kaliligo-look at isang-buwan-na-akong-dehins-nagseshave-look ni James McAvoy. (hehe isang beses lang nmn sya nagpresent, msyado kseng young looking sa age nya, kaya cguro nagpapaka gnun look sya..owel)

delayed den ng ilang minutes ang awarding E/PT kse e. ok nmn pero un nga lang pinuputol putol pa, binuksan ko ren kse ung website. ngaun ko lang din ata napanuod ng buo ang oscars tpos halos lahat pa ng entries napanuod ko. ayos din ung Juno nominated sa Best Picture. tska si Ellen Page nominated sa Best Actress. habang isang nomination lang ang nakuha ng Across the Universe--nomination sa Best Costume Design (na iniistalk istalk ko sa website nila at sa trailer sa youtube, na tulad ng The Science of Sleep, wla pa ko dvd copy)..sa visual effects naglaban ang Pirates of the Caribbean: At World's End, Transformers at The Golden Compass, ang nanalo The Golden Compass. Watch the replay sa Sunday Night's Best, dito lang sa nagiisang Kapamilya ABS-CBN. (nyak dapat binabayaran ako sa plugging)

some major awards:
Best Actor- Daniel Day-Lewis (There Will Be Blood)
Best Actress- Marion Cotillard (La Vie En Rose)
Best Supporting Actor- Javier Bardem (No Country for Old Men)
Best Supporting Actress- Tilda Swinton (Michael Clayton)
{sya ung witch sa Narnia*
Best Director- Joel Coen and Ethan Coel (No Country for Old Men)
Best Foreign Language Film of the Year- The Counterfeiters {to find sa quiapo*
Acheivement in Music (Score)- Atonement {pwede ren dito ung Juno e tsk*
Best Original Screenplay- Diablo Cody (Juno) {steeg!*
Best Picture- Mano Po: Infinity and Beyond {nde joke lang*
Best Picture- No Country For Old Men


you can see the complete winnerslist but you can't see PGMA in 22nd People Power Revolution Anniversary Mass. panis!




February 26th, 2008

mga 10% lang ng sarili mo
POSTED AT 11:43 AM

kapag nagsusulat ka, isunusulat mo ang ilang bahagi ng sarili mo sa papel gamit ng bolpen. at kasama nito sinusulat ninyong dalwa ang mga bagay na lumulutang sa isip mo at sinusubukan mo ring isapapel ang mga iniisip ng puso mo.
ang ilang bahagi mo
at ni bolpen
at ni isip
at ni puso..

ay pagsasamantalahan si papel.




GONDRY IS GOD
POSTED AT 04:47 PM










Napapa-wow nlang ako.
Isa ito sa mga short films at mga masterpieces ni Michel Gondry.
Kasama rin kaya ito sa The Works of Director Michel Gondry?
I can't wait to get hold of your DVD!!
Tamang spoiler lang sa youtube.
Humanda ka payday!




PS ganda ng ending nito monds..ahihi!


February 28th, 2008

social interaction via YM
POSTED AT 01:14 PM

nakipagpalit saken si nathan ng sked ngaun and for 2 thursdays next week. kse may seminar sila sa church nila.
kaya todo extended ang pagtulog ko kanina.. sarrap!



si nathan ung sinundan ko isang buwan bago ako maging Kafamilee. super fan sya ni Bo Sanchez. ang taong worthy na ipagpatayo ng monumento kapag na-dedo dhil kapag nakilala mo sya tlaga, bibilib k sknya. nagkakwentuhan kme lalu nung nalaman nyang i used to work as PA/ Post Prod Supervisor sa show ni Bo Sanchez--super fresh grad summer 06. na medyo dehins kagandahan ang prod set.

hanggang sya na ang pinagkwntuhan nmen. Odd thing, for 5 mons na nanilbihan ako sa show, nde man lang ako nakapagpapirma sa alin man sa libro nya (ni wla nga akong libro nya e) khit piktyur sa celfon wla ren kme kuha. i first learned that there was such Bo Sanchez, nung HS yung kapatid ko sa Notre Dame, college ako nun, secretly, i liked ung Fish magazine niya. every month meron kse si Glenn nun, kaya inabangan ko ren un. tpos narealized ko n lang nagtatrabaho na ko sa boss kong direktor ng Kerygma TV, dun k nakamayan si Bo. nung 2006, nag-eere yun sa RPN 9 every wednesdays 11pm na ngaun ay ineere n sa ABC5 every tues ata 10pm. nde nmn ako ganung relihiyosong tao. pero nde ren nmn ako isa sa mga taong naniniwalang wala silang pinaniniwalaan. ung mga pilosopo nga naniniwalang may Diyos e. pero si Bo Sanchez e ung tipong ng taong ano ba? undescribable e.
best seller den lage ang mga libro nya sa national bookstore.

every taping namen nun nakakaligtaan kong tapos na pala ung talk nya at kailangan ko na palang mag-ID sa super mamomove ka sa talk nya (*talk=preaching). sa kanya ko nakuha ung Follow your happiness...do what you are annointed. Grow. PATH is different with PURPOSE..kse naman kumpara sa typical na paring nagsesermon, mas gugustuhin mong sya nalang sana ang pari nyo. minsan kse khit anong pilit mo sa utak mo na intindihin ung sermon, pra kang ginagago nang pari e..wla nmng koneksyon lahat ng mga sinasbe nya, cge try mo minsan makinig tlaga, pero goodluck nlng. kse kailangan mo ng matinding konsentrasyon sa pakikinig dhil kalaban mo ang distraksyon ng mga sakristan na naghaharutan, poor sound system at init ng simbahan..tska jollibee pagkatapos magsimba.

napunta mula kay Bo hanggang sa politika. na sana nde sya maisawsaw sa politika. bo to mother lily. kse ung studio b4 na pinatatapingan nmen sa may gillmore e sa Regal, pinagagamit smen for free ni Mother Lily. dehins ko nmn nakita si mother lily ni minsan kundi ung clapper lang na ginamit sa pelikula ni *tsk nkalimutan ko name nung direktor. harhar. mother lily to metro manila film festival (mmff). na puros prinouduce ni mother lily ang entries. mmff to entry manipulation. manipulation to depression. depression to philippine film/literature/music..etc(arts) suppression.

sabay nagbabay n sya kse out na nya.

ako at ang prinsesa ng banyera nlang ang magtutuos..
Humanda ka Manining maghihiganti sila...


Discreet Rebellion
POSTED AT 06:57 PM










5 minutes of Lozada inside PUP campus

Classes were cancelled and then there was bomb threat.
Sa kbila nito, gusto paren ng mga estudyante ng PUP na makapasok sa loob ng campus. While others just wanted to continue with an exam as seen in TV Patrol.




Photos courtesy of GMANews.TV (la ko makuha sa site namen e) Labo e Kafamilee nga raw ako e.

Taga CEU ako. Pero sa buong 4 yrs kasama ang sembreaks na nasa Mendiola ako, kung nde cancelled ang klase e abala ang mga taga CEU sa..san nga ba?
Basta ang alam ko, walang ganito sa Centro.






Off ko bukas.
Punta tau sa Ayala?





Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: