Entries for September, 2006
September 13th, 2006
puslit POSTED AT 12:29 PM kaya lang wala nang oras. babush baka dumating na ang boss ko. kembot?
|
|
September 21st, 2006
previously on the life of the backward spelled nylammeg... POSTED AT 02:47 PM expecting unexpectedly. tama si pilosopong j.zafra, "somehow u manage to get through the day. its not as if you had a choice. maybe things will get better, maybe they wont. sometimes things happen that make you ridiculously happy to be alive. THIS IS THE STUFF YOU LIFE FOR; THE REST IS JUST BLAH. you can whine all u want, but thats how it is. thats the thing being human being: you just have to go on living." amen to that! 9/1/06 ginagamot mo ang sarili mo sa lahat ng sakit at na khit hangin na khit araw na khit kainin na khit mahalin masakit parin. ~*~*~*~*~*~*~*~ 1) hindi ko nakalimutan ang pangarap ko, alam kong nasa akin paren ito, hindi ito nanakaw o ninakaw ng kung sino, at lalung nde nawalan ng pag-asa. ito ay naupo lang sa likod ng lahat ng mga ginagawa ko ngaun: nakakalasong trabaho, mahahabang pagkocommute, pag-alaala sa mga dating magagandang nangyayare, mayat mayang pagsasabi ng "sana", lahat ay naging sanhi ng paghinga ko ng isang artipisyal na hangin na ngayon ay unti- unti nang pumupuno sa aking katawan at inilalabas ng katawan ko na sya ring hinihinga ng mga katulad ko sa kanilang mga artipisyal na mundo. ang mga araw sa buhay ng isang tulad ko ay pagikot ng mundo dalawang beses sa kalahating araw. 4 na beses sa buong araw na marahil sa hilo ay kung ano ang kabliktaran ay sya ring nararam- daman. naglalakad ka pero nasa ibang mundo ang kaluluwa mo. subukan mo mang baguhin o labanan ang pakiramdam na ito, tulad ng panunuod ng sine, pagbabasa ng libro, positive thinking, pakikinig ng ipod, pagsusulat, iyon ay magtatagal lang ng wala pang kalahating oras kaya susubukan mo nanamang himay himayin ang dahilan kung bakit ka nagkaka ganito. at tulad ng dati, paulit ulit mo na tong ginawa at minsan lang o isang beses ka lang halos muntik na malapit sa kasagutan pero tinawag ka ng kung sino at nawala ka sa pagiisip mo. tapos na ko sa yugtong iipunin sa harap ko ang mga ala-ala nga iyong college life. lalu lang itong nakakapagpalala ng sitwasyon mo.kung minsan pati ang panunuod ng tv, ang totoo lahat halos ng gawin mo. kaya ang pagtulog na lamang ang pinakamagandang solusyon. yun ay kung hindi pati sa panaginip ay habulin ka nang nakakalasong hangin na to. magigising ka ng madaling araw at nde mo na alam ang gagawin mo, makakatulugan mo ang pag-iyak at sa pag-gising mong ulit ay sasabihin mo sa sariling "yes! wala na" pero dalawa lang iyon. maaring sa wakas at wala na ang pakiramdam o sobra ka nang immune at pinaniniwala mo lang ang sarili mong wala na.sa loob ng halos 5 buwan, ganito na ako. at masasabi kong nde pa ako immune. 9/4/06 have we grown bitter by this after grad "real world"? fuck the real world!Fuck everyone so pure and young who turned into bitter cynicals and sighing souls, trapped in this curse. they so fuck me once. ----------- staring at the blank is like reading on far sight, floating with in your imagination filled of subconscious thoughts that u really wanted to be. ----------- ramdom thoughts of cloudy wednesday morning 9/6/06 smile even when dont feel like smiling.. ![]() umagang ng biyernes. heto nanaman ako sa pagising ng maaga. hindi ko n nga kailangan ng alarm e, dhil mula 7AM na alarm, nagigising ako ng 6:13AM. at ngaun mula 6:20AM na alarm, 5:30Am gising na ako. susunod nyan nde na ako makakatulog...wag nmn sana. at tulad ng isang ritwal. bubuksan ang pc. magpapa in the mood muna. magpapakulo ng tubig pampaligo. iinom ng gatas. nde na ako nagaalmusal ngaun. pang 5 buwan ko na sa trabaho sa sept24. ang bilis noh? oo nga. kung itatanong mo saken kung ano ang status ng trabaho ko sa aken... pagkatapos ng mahabang depresyon at pagtanong sa sarili bakit ako nagkakaganito atbp. theres no point of making sense of things. every one is dancing even they cant dance, so you have to dance! ayoko nang madepress. ayokong tuluyan nang mawalan ako ng tiwala sa sarili at makalimutan ang pangarap ko. tunay nga na malupit ang totoong mundo. napakalupit. sasampalin ka nya, hahawakan ang iyong mukha habang pinipigilan mo sya at tanggapin ang mga sinasabi nya: "Gumising ka! Ito ang totoo. Ang realidad sa mga ilusyon mo! Wala ka nang magagawa kundi tanggapin 'to!" realidad sa ilusyon mo.. ilusyon sa realidad. nakakabaliw noh?! siguro dahil sa pagiisip ko sa sitwasyon ko ngaun at sa pagtakas dito, nakalimutan ko ang "malayang malikhaing isipan". realidad sa ilusyon mo.. ilusyon sa realidad. fuck the real world! fuck it beacuse its true. realidad sa ilusyon mo.. ilusyon sa realidad. 9/8/06 |
|




My StumbleUpon Page