go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for July, 2006

July 7th, 2006

HAPPY PRODUCTION NUMBER!
POSTED AT 04:24 PM

yes.

bday ng kagandahan ninyong lingkod tuday!!!

im 21.
nde halata noh, kse mukha akong 18. nyehehe!
akala nga nung kapitbahay namin e high skul student lang ako e. (ah eh kagagradweyt ko lang po nitong march, ati!)

*****************nylammeg bday special***************

Opening...
KAKANTA SI NYLAMMEG NG PABORITO NYANG KANTA. POR EKSAMPOL, AVERAGE JOE. TPOS SA 3RD LINE NG UNANG STANZA BIGLANG MAGIIBA ANG BOSES NG NILILIPSYNC NYA. LALABAS SA LIKOD NYA MGA KAIBIGAN NYANG FROM SHOWBIZNESS AT MAGKAKRAYOLA TO DEATH SI NYLAMMEG DAHIL KUNYARE NDE NYA SILA INEEXPECT NA JOJOIN SA BDAY SPECIAL AT KHIT NAGKITA NA SILA SA BACKSTAGE.

UNTI-UNTI NANG LALABAS ANG MGA GUESTS NYA SA BDAY SPECIAL.
AYAN..
SILA: BEA ALONZO (janice), BITOY (erwin), ROHBERT (as himself, MR. SELAMS), JIMMY SANTOS (monds), MANNY PACQUIAO (amo, charles), vannie, lovely, quiazon family, boss nya, pamilya, etc...


TPOS BIGLANG LALABAS YUNG FAMILY NYA AFTER NG SONG NUMBER.
TATANUNGIN NG HOST ISA ISA KUNG ANONG WISH NILA PARA KAY NYLAMMEG..

bea alonzo: happy bday gem, sorry napaiyak pa kita ah!
bitoy: happy bday tsong!! manlibre ka mamya ah!! hekhek antanda mo na!
rohbert: happy bday tsong! san ka manlilibre? :p
vannie: hapi bday
lovely: ma gem hapwi 21st berday...hehe..
ian quiazon: happy birthday! kasama mo c erwin?
ate thes: hapi bday and may GOD continue 2 protect u, 2 giv u gud health and 2 shower u with more and more blessings. may HE continue 2 give u d desires of ur heart ahain hapi bday. GOD BLESS U. from all of us here ur 2nd family.
sir randy: happy bday muna. pakidala kay fernan yung aim tapes. dun ka muna. pakiayos na ep ni chiki next 4 nxt wed.
mama:happy bday. i love you!*kiss
men- men: ate san mo kame lilibre?
glenn: *speechless

SA MGA ORAS NA TO SIRA NA ANG MAKE-UP NI NYLAMMEG KAYA MAG KOKOMERSYAL NA MUNA.

AFTER NG COMMERCIAL AY TATANUNGIN NA SYA NG HOST KUNG ANONG MGA WISH NYA..


at tulad ng lhat ng mga artista, kailangan nilang sagutin ang mga cliche questions na tinatanong sa knila tuwing may bday espeysyal:

1.) anong wish mo ngayong bday mo?
---->>meron akong 7 wishes, pero nde ko na sasabihin baka dehins magkatotoo. hehe

2.) pano mo isecelebrate ang bday mo?
---->> madame ako plano. gusto ko lahat ng mga malalapit kong kaibigan matreat ko. kanina dinalhan ko ng canton at chicharap ang quiazon residence. hehe tsibugan. kung nde sana may nangyare sana sama-sama kme ngaun ng mga best buds ko sa buong mundo. pero ang mangyayare, si win lang ang makakasama ko. nad2 ako ngaun sa internet shop malapit kela ate thes, nagiisip kung san ang malapit na simbahan para makapagsimba sana ako. tpos mamyang gabe, bahala na. bukas ko na itetreat sila mama.

3.) anong gusto mo sa bday mo?
---->> anyway, yung wishes ko naman ay nde materyal na bagay so...
ang gusto ko sa bday ko ay nag mga sumusunod:
*ipod shuffle/nano
*dvds
*cds ng sandwich, dong abay, yeah yeah yeahs, pupil, corrine bailey rae, etc.
*bagong sapatos
*damit
*housing ng celfon..dahil nde ko gusto ng bagong celfon..hehe
*notebook
*extreme magic sing (seryoso ako!)
*back pack
*alamat ng gubat ni bob ong (dhil nde na nakabalik sken ung libro ko at sira na ang koleksyon ko)
* (at mga less realistic wants...)gusto kong magpakulay ng blue before i turn 25..at least, gusto ko ako ang pupunit ng tiket sa bus, gusto kong magovernight sa mall,

TPOS MAY SURPRISE PHONE PATCH ANG PROGRAMA..
TATAY NYA LIVE FROM SAUDI:

papa: hello?
nylammeg: hello.
p: len, happy bday!
n: salamat po.hehe *teary eyed
p: asan ka?
n: masa trabaho po.
p: ah gnun, ingat ka lage ah.
n: opo. salamat po!

TPOS NG DRAMA ILALABAS YUNG MGA CAKE, MGA REGALO NG STAFF AT FANS.

NAGSASALITA SI NYLAMMEG AT MAGPAPASALAMAT.

thank you sa lahat ng bumati sa ken sa bday ko, sa family ko (naks), sa mga kaibaigan ko (in and out showbiz haha!), kela ate thes, kay sir, sa Dyos, sa lahat lahat na! syempre sa mga fans ko, pno na ang career ko kung wla kau?!?!


TPOS NUN PRODUCTION NUMBER NA!!

SANA MATAAS ANG RATINGS NG SHOW.



DIRECTED BY: nylammeg herself.


July 14th, 2006

something to look forward
POSTED AT 02:06 PM

at ang akala ko ay nde na matutuloy at sa sungit pa ng panahon, may magpunta kaya bukas. Bukas na ang event namin sa Fitness First Body Combat sa PICC forum 1. 8am ang ingress pero start tlga ng event e 5pm.

tpos..
tpos..
tpos..

ang pinakaaabangan ko nang matagal na!!

sa Monday na ang CINEMALAYA!


at khit medyo umaapaw na ang tolerance level ko...

carry pren.



July 20th, 2006

DOREIMON SURREALIST
POSTED AT 08:48 PM

ang panunuod ng doreimon ay parang pagtakbo sa realidad,
30 minutong kaligayahan at katuparan ng mga imposible at
nakabibighaning pagkahinayang.

si nobita ang batang mahina, duwag ngunit may busilak na puso.
(wow napaka so.. cliche)

si damulag na bully ng buong barkadang kabataan.

si suneyo ang pinaka mayaman pero mainggitin na bata.

si shizuka ang lvoe interest ni nobita.

si doreimon, syempre ang elyen na may pambihirang mga kagamitan
na nakakasagot sa lahat ng problema ni nobita.

si nobita na tamad gumawa ng homework. lalabas ng bahay, makikipag
laro kela damulag at sa iba pa.iiyak pauwi si nobita kay doreimon.
tutulungan sya ni doreimon gamit ang kanyang mga--the hell where
he gets--na mga super extraordinaryong kagamitan. paulit-ulit.
paulit-ulit. pero dehins nakakasawa. siguro dhil hindi ko pa
completely ginigive up ang pagiging bata ko sa edad kong ito, kaya
natutuwa pren ako sa mga gnitong plabas. ewan. siguro dhil im still
fond of my childhood memories. tanong mo sken lahat ng mga palabas,
games, uso, commercials nung mga bata pa tau, marami dun ay parang
kahapon lang, fresh na fresh pa sken.

enaf of the uber sentimentality.

pero hanggang saan ka makakatakbo sa realidad?
nito lang may episode sa doreimon na mamatay yung aso ni shizuka na
si snow white. naawa si nobita kay shizuka at humingi ng tulong kay
doreimon. nangakong bubuhayin nya ang aso nitong naghihingalo.
sinabe ni doreimon na hindi nya kayang gawin yun dhil may hangganan
ang kanyang kapangyarihan. medyo madrama ang epsiode na yun at
nagiisip nakong baka hindi iyon ang doreimong akala kong iyon.

lungkot na lungkot si nobita dhil hindi niya magawang matulungan ang
kaibigan nya. maya maya ay lumapit si doreimon dala ang gamot na
maaring makapag pagaling kay snow white. pero patay na ng mga oras na
iyon si snow white, kung kaya ginamit nila ang time machine upang
balikan ang nakaraan at painumin si snow white ng gamot.

nang bumalik sila sa kasalukuyan ay hinihintay sila ni shizuka sa
labas ng kanilang bahay. "akala ko pagagalingin mo si snow white.
nangako ka sken nobita." sabi ni shizuka habang tumatakbo sila ng
incredibly fast at incredibly far..and i tot ang bahay nila shizuka
is couple of blocks away from nobita's. i was wrong.

nakarating sila kela shizuka sa pagaakalang huli na ang lahat.
extreme close up kay shizuka.
teary eyed.
--BABALA! doreimon paren ito para lang teleserye--
extreme close up kay snow white. naghihingalo at
oddly nakakatawa ang itsura sa napaka seryosong eksena.
todo na ang babad sa kamera ni snow white sa loob ng 5 segundo.
hindi rin ako huminga ng mga 3 segundo.
inaabangan.
hinhintay ang susunod na mangyare.
buti walang "MABUBUHAY BA SI SNOW WHITE..blah blahs"
--BABALA! wala pong commercial interuptions--

sabe ko sa sarili ko, kung nde mabubuhay si snow white. ang doreimon
na ang pinaka makatotohanang palabas na napanuod ko sa balat ng
cartoons. kung nde mabubuhay si snow white, sobrang laki ng values
na maituturo nito sa mga batang nanunuod nito at sa mga feeling
bata na katulad ko na nde lahat ng bagay ay makukuha mo at kaya mong
takbuhan. minsan kailangan mo itong tanggapin dahil tulad nga ng sabe
ni bob ong..minsan kailangan mong maging malakas para masabing
mahina ka.

and thus the show concludes that there is no impossible for doreimon.

snow white lives.

ang odd tlga ng pagkabuhay nya, dhil one time nakahiga sya at
naghihingalo, tpos bigla syang tumalon from the floor kay shizuka.
at parang ang liit ng boses ni snow white sa laki nya.
niyakap sya ni shizuka na parang prodigal son na nagbalik mula sa
desyerto.tpos nagtakbuhan sila sa grassland. and they were incredibly
happy once again with all that floral
and sunlight in your face and all that shit.

nde naman ako nega na tao o nagmamaasim.
nde ako against sa mga happy ending,
sa masaya, sa positibo, sa feel good shits...

hindi rin nman masama kung malaman ng mga bata na meron ding
lungkot, pighati, problema, trials, tribulations, pagluha,
sakit..

dhil parehas ng lahat ng yon ang pagiging isang tao.
its perfectly human to feel both things.

sana namatay si snow white. dinamayan siya ni nobita. tpos pinasaya
sila ni doreimon.

bow.






July 23rd, 2006

ULTIMATE TIME OUT EH?
POSTED AT 01:26 PM

1 and so ipinagpaliban ko ang panunuod ng CINEMALAYA!

2 nagpacheck up ako nung thursday...
OVER FATIQUE at may iba pang symptoms na anik anik at under observation ako ng doktora w/c made me ask for a 1 week leave. may 2 gamot sken binigay at halos maka 1k ako ah!! 30+ yung isa tpos yung isa 50+ e times 7....

3 im anticipating for the luxurious week ahead of me. the---i hope---ultimate time out after a year of super busy post college life.

4 pagaaralan ko na ang pagpepetiks!

5 super susubukan ko na talagang mag ipon...fo real na tlaga!




July 24th, 2006

an expiring thought
POSTED AT 10:15 PM

kung dati ay " SAAN BA KO PATUTUNGO?" ang tanong ko sa sarili ko. Ngayon ay "NASAAN NA BA AKO?". eto nanaman ako trying make sense of things. Sinusubukang isulat ang maganda at masklap sa totoong mundo (ko).
Totoong ang sarili mo ang pinaka mahirap mong kaaway. kalaban saan? SA pangongonsensya. Sa pambubuska at panggagatong.. sana katulad na lang ako ng iba na nagbubuhay ZOMBIE. walang tanong sa buhay pero nabubuhay. siya yung walang paks, come what may at magaling magpaagos sa buhay.taong walang hinahanap. taong walang passion khit saan khit sa trabho...well tuloy lang ang buhay nya. taong anti-sentimentality, yung taong bato, yung taong gigising---gagalaw at matutulog. sana ganun ako hanggang ma-dead!
Bakit ko nga naman pahihirapan pa sarili ko?! ang sarili kong hanapin ang sarili ko, magpaka-uber with PASSION at alagad ng MALAYANG MALIKHAING ISIPAN? Parang non sense na sken ang lahat ngaun!

WITHDRAWAL SYNDROME:

1 ayoko nang magsulat
2 ayoko na ng photography
3 ayoko na ng pelikula
4 ayoko na ng tula
5 ayoko na ng TRABAHO
6 ayoko na ng malayang malikhaing isipan
7 ayoko na ng surrealism
8 ayoko na ng passion and purpose in life realms
9 ayoko na ng epiphanic subliminal uprush
10 ayoko na ng TV prod
11 ayoko na ng brainstorming
12 ayoko nang mag-aral ulit
13 ayoko nang MANGARAP!


all expires.

at habang sinasabi ko ang lahat ng ito..gusto ko na ulit MANGARAP!


5 YEARS FROM NOW...

its 2011! I am in an office with averagely creative co-workers. I am working at Creative Minds. I have a reasonable amount of money in my bank account and soon when I am financially, spiritually, mentally and emotionally stable I'll marry. Or maybe I'll do the marrying part on the next 5 years..


July 28th, 2006

rainy days, xmas lights, bus tickets and comfortable silence
POSTED AT 10:44 AM

umaraw na!!

mali.

umaraw na??

ang tag-ulan ang isa sa mga paborito kong season aside sa xmas season. kse malamig, masarap humigop ng sopas na gawa ng nanay, uminom ng maiinit na gatas, patugtugin si norah jones,
manuod ng pelikula habang hindi mo na kailangang patayin pa ang ilaw para sa ultimate cinematic experience, dhil khit alas 3 p lang e parang alas 6 n ng gabe.

gusto ko rin nmn ang mga sunny mornings. pero magkaibang pakiramdam ang dalwang yun.

di ba ansarap makakita ng moist sa bintana ng sinasakyan mo habang unti unting tumutulo ung tubig sa salamin. nde ko maexplain kung baket. pero fascinated ako sa mga gnun tulad ng pagka-amaze ko sa mga maiilaw tuwing gabe. kaya din siguro gusto ko rin ang xmas season...kase may xmas lights at nagmimistulang las vegas ang mga bahay dito sa may amin. ansaya tlaga.

gusto ko yung mga gnung bagay. simple. mababaw man pero masaya. tulad ng pangongolekta ko ng tiket sa bus. madami na kong nakolekta. nde ko nga lang alam kung anu na gagawin ko dun. hehe
sbe nga ni mama, pwede nang pan raffle. kse may short term dream akong mamunit ng tiket sa bus. ayokong maging kundoktor, gusto ko ako lang magbibigay ng tiket sa pasahero, yung magpupunit mula dun sa naka ayos at nakagoma tpos pupunitin mo yung tiket sabay ibibigay sa knila. tska comfortable silence. rare ung may kashare k ng kumportableng katahimikan.

rainy days are always associated with solitude nga raw. nde naman ako gnun kalungkot pero sobra kong naaliw sa tag ulan..


Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: