go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for January, 2006

January 4th, 2006

pambayad utang entry
POSTED AT 09:48 PM

ngayon na ipapalabas ang dokyu namin...kinakabahan ako, kse baka may mga stooopid akong cnbe. finally, napanuod ko nrin ung commercial nmin na ang alam ko kgbe pa daw kinocommercial. kinakabahan tlga ako. ang masama pa nyan, nde ko nakabati. hehe..kaya dito nalang ako babawi..ok ready!

nagpapasalamat ako sa mga taong naging inspirasyon at sumuporta sken (samin) bago at pagkatapos ng lahat..at khit wala lang...

kay mama at papa sa suporta at pagunawa na kailangang mag-overnight!!, glenn, men2x, lola, tito tomas, tita nilda, tito miguel, ate marnellie, kuya michael, sa ilang kapitbahay nmin dito sa compound, sa mga kamag-anak ko sa caloocan: lolo at lola, tita carla, tita norma, tito willie, tita malou, tito jun, tita elvie, tito pablo sa mga pinsan ko: kuya beck, diane, jing2x, jenwie at jc, kay tito buboy at tita amanda sa missouri, sa mga pinsan ko dun: tresa, jack at maia, sa mga kamag-anak ko sa bicutan: tita lourdes, tito bernard, sa mga pinsan ko ulet: ate lanie, unat, abuboy at bernadette, sa mga kamag-anak ko naman sa munoz: kay tito atoy at tita dolores, sa mga pinsan ko: dj, carlo at carla. sa mga kamag-anak ko sa bicol: tito boy at tita dolores at sa mga pinsan ko dun! (andame e.) sa mga malalayo kong kamag-anak, sa mga kababata ko dito sa compound (at bket nde na tau nagpapansinan?), sa mga lage kong nakakasalubong at nakakasabay habang nagcocommute, sa mga taga-CEU (syempre!), sa ABMCB4B (go!!), sa mga klasm8s ko nun nun pa, sa SIBS: love, gretch, jec, vannie, at vespren gienah (magpakita ka!), sa mga tunay na kaibigan khit manginlan-ngilan, makakalimutan ko ba nmn ang mga kasama ko sa Eat Bulaga? Tropang Masaya: cha-cha, mitch, teope, erwin, jhette at rohbert!..sa mga kaibigan din naming guards at empleyado dun, kay ateng tindera ng tuna sandwich at ginataan, sa mga online friend kong si jonald ebdani na fan ko na..whehehe, kay F.R.>>nde dama kapag abala, syempre sa astig na editing sa buong kalawakan: JIREH INSTANT EDIT..kala ate tess, kuya fernan, ian sa tarp at brochure..sobrang saya d2! d2 narin kau magpaedit, pwede pa kaung magpaampon!!!!, kela nanay nenet at aling tess sa pagbabahagi nila ng knilang buhay di lang sa dokyu nmin kundi sa aming mga buhay, sa mga nakilala pa nmin sa quiapo, Poong Nazareno na hinayaan lang kmeng maligaw at makita ang daan at utang nmin itong sobrang dami at walang hanggang blessings ng dokyu sa knya! sa knya rin kung kaya narealize nmin ang "calling" namin, sa mga ka-dokyu ko mula pa umpisa: jhette, erwin at charles! (khit medyo naglaylo si charles) sa loob ng 4 na buwan ko (at paglanghap ng inyong mga 2nd hand smoke) sobra akong nagpapasalamat at nakilala ko kau, akala ko kase mag-isa lang akong "ganito".. may mga inbisibol na linyang nagkokonekta sating mga utak na may isang layunin: buksan ang kahon! sa mga taong nakikilala nmin dhil sa dokyu, kay kuya binggo (na crush ko..hehe), at sa lahat nang naki-balita, naki-usyoso, naki-nuod, nang-intriga, etc etc...salamat!!! soooooooo-brah!

*alam kong may nakalimutan pa ko, ipinapasaDiyos kayo!



January 5th, 2006

inner self: nagsalita na!
POSTED AT 10:47 PM

kahit may kabit na ko, mas nasasabe ko nmn ang mga nararamdaman ko d2, mas nakakapagsumbong ako d2 kapag kinukutya ako ng mundo o minsan mismo ng sarili ko. isa lang ang ibig sabihin nito..mas mahal kita tabulas ko.
**************

mahirap ang maging dependent sa isang tao/bagay.
kase kapag nawala un, mahihirapan kang kumilos ulet. tulad nung nasira ung PC, ilang buwan akong nde nakapaginternet, feeling ko nawala ako sa sirkulasyon. kasi kapag sobrang attach kna sa isang tao/bagay, parang dun nlng kase sa tao/bagay na un umiikot ang mundo mo. at.......masama un!
mawawala na rin ung sarili mong desisyon dhil dependent kana dun, nakadepende nren ang desisyon mo sa kung ano sa tao/bagay na un.
at.......masama un!
*************

ojt nanaman bukas! mas ok keysa pumasok sa skul. knina ko lang nalaman na 39 hours nalang pla ang kailangan ko para mapuno ang 100 hrs ng ojt sa eat bulaga. tpos poproblemahin ko naman ung sa advertising. pero db un advertising ang gusto ko. as in gustong gusto ko?! bakit gnun pti sa mga bagay na gusto ko nawawalan nren ako ng gana? baket ako nagkakaganito? nakakainis! para akong nagpapaagos sa tubig tpos bahala na kung san ako dalhin.

************
LOVE is my LEAST priority this year!
o mas specific...
finding my lovelife is my LEAST priority this year.
taym awt!

************
antok lang to e..ge nyt!



antok lang to e..nyt!


January 11th, 2006

knocked out na!
POSTED AT 09:47 PM

after ng skul kahapon, umuwi ako ng bahay dala ng tshirt, sapatos at ilang kailangang gamit para sa overnight meeting kela rain sa filinvest, antipolo city.
magkikita-kita muna kme sa greenbelt ng 7pm. pero 8:15 nren ako nakarating.. isang oras lang ang biyahe ko mula dito smin hanggang greenbelt..ambilis kse MRT. nkta ko pa sila tita lourdes at unat sa may starbucks...wla pa one hour natapos ang meeting nmin kay kuya lester & co., pumunta n kme kela rain.

10-5:30 am kmeng nag-brainstorming, nag-debate, at nagkwentuhan tungkol sa product nmin. almost complete na ang grupo: jhette, rain, erwin, ako, jhayson, jhoana, richelle, rachelle, ria, at jelyne. pero wla paren sa kalahati ang mga napagusapan nmin.

nakauwi ako sa bahay ng 8: sumthing...natulog ako agad. ansakit na ng mata ko, ng katawan ko, ng ulo ko...6 hrs lang ang binawe ko. tpos ngaun paggising ko pa, parang tinatrangkaso pa ako. meron p nmng job fair bukas ng 8am.

nde.
kaya ko to.
ilusyon ko lang tong sakit sakit na to.
*ansakit ng ulo ko! waah.


January 14th, 2006

nakakatakot db?!
POSTED AT 04:22 PM

himalang nakauwi ako ng maaga ngaun ng bahay. ilang linggo nren kse akong hawak ng oras ko. yung tipong pagdating ng hapon nde ko alam kung anong oras ako makakauwi ng bahay. kung kayat naisipan kong dumaan ng national bookstore at magbalik tanaw sa mga gawain ko noong dati ---ang magbasa ng libro ng 2 oras at higit pa-- noong hawak ko pa ang oras ko. maghahanap sana ako ng adv. book pero nauwi ako sa pagbili ng Pugad baboy 17. ansaya db?!

kahapon lang, papunta kmeng makati (para sa interview sa Advertising kay direk.) mula OJT sa eat bulaga sakay LRT2, baba ng cubao-gateway, hulaan sino ang aming nakita?! nakita nmin ang CUESHE...naalala nmin firday the 13th pla nun. nakakatakot db?!
Image hosted by Photobucket.comkabilugan ng buwan sa taas ng G4

at pagkatapos nun sunod sunod na kamalasan ang nangyare smin..
wala kmeng mkuhang taxi.
inabutan kme ng ulan.
ang haba ng nilakad nmin papuntang delaRosa.
o e2 pruweba...
Image hosted by Photobucket.com

hagardness na kmeng nakarating sa opisina.
ininterview nmin si Ma'am Angel Antonio ng JWT Ad Agency. Nde pa man nmin nkita ng buo at ang loob ng agency...mangha na ako dhil condusive sa creativity ng office nila. parang gusto ko nang magtrabaho dun. parang lalu ko tuloy gustong inpursue ang matagal ko nang gutso---advertising. pero ayaw ko magbitaw ng salita.

Image hosted by Photobucket.com


January 17th, 2006

puyat.
POSTED AT 12:17 PM

puyat.
kulang sa tulog. konte sa tulog. atake ng taghiyawat. malalalim na eyebags.

ang pagtulog ay isang bagay na ninanakaw ko tulad ng mga sandaling maganda ang anggulo, tama ang hangin ng elektrik pan at patay ang ilaw. miss ko na ang managinip. ang unan ko. ang kama. ang kumot. at isang desenteng tulog na walong oras.

sana tumigil ang oras ng mga 3 araw.
ayos na un.
3 araw akong tulog.
tpos pagkagising ko game na ulit akong magpuyat, magovernight (ng nde natutulog) at umuwi ng alas4 ng madaling araw.
game naren akong magisip ng magagandang bagay sa buhay ko after ng graduation.

game?
tulog na tau!




January 18th, 2006

A(N)GELO ENCOUNTER
POSTED AT 07:48 PM

papunta dpat kmi ni win sa greenbelt para sa meeting dapat nmin kay kuya lester for advertising. pero tumawag si jhette at sbing nde na tuloy ang meeting dhil nasa pagudpod si kuya (bummer!) nasa gateway na kaya kme. buti nalang at kumain muna kme at nde pa kme nakakasakay ng MRT.

paalis n kme nang biglang nakasalubong nmin si GELO SUAREZ. nagaalinlangan pa nga ako kung sya ba talaga yun, baka kamukha nya lang. pero namukaan din ni win e. nde ko pa naman dala yung digicam ko....sayang naman!



January 19th, 2006

sinong kakagat?
POSTED AT 01:21 AM

Image hosted by Photobucket.com

isa nanamang cinemalaya indie film feed to mainstream movie goers. punta kau yahoo. i-search nyo. panuorin nyo trailer. (dhil nakalimutan ko yung link e) nanalo ang Big Time sa Cinemalaya last year ng Best Sreenplay , Best Sound....nlimutan ko ulet. i-search mo nlng din kse. Nde ko pa rin to napapanuod pero pinakaaabangan ko tong movie ngaung January. Rated A din ang big time, pero di tulad ng Mulawin, nde si Mother Lily ang nagproduce! *middle finger raised


january 25, 2006

sm north
sm fairview
sm manila
iba pang sm sa metro manila..

tara nuod tau!


January 21st, 2006

ayala loop
POSTED AT 12:32 AM



P.
As in pinigailan ko ang sarili ko sa pagtapos at pagbasa ng 5th book ni Bob Ong na pinamagatang STAINLESS LONGGANISA..

tama, may 5th book na sya (after ng dec'04's Alamat ng Gubat) hindi ko man lang nabalitaan kung nde ko pa sinasadyang dumaan ng Powerbooks sa greenbelt pagkatapos ng job interview sa 3i malapit sa green belt na feeling ko niloko lang kme, dhil isa pala silang placement agency, oops kinorek pa kme--its placement firm na inaamin ko medyo naingganyo rin ako tulad ng pagkaingganyo ng nanay kong bumili ng Super Premium High Potency Pro Biotic Food Supplement with 450 million Lactobacilli per mlna binenta ng malayo nming kamag-anak na ngayon ko lang ata nakita na bumisita dito sa bahay namin dahil naisip kong nde nmn full time job ang pagiging CSR, pwede akong humanap ng GUSTO kong trabaho na related sa kurso kong tatapusin pero ayokong kainin ang sinabe kong LAST resort ko ang call center dahil sa aking maprinsipyong pananaw pero bahala na si batman at dhil ePLDT rin pala ang kababagsakan ko pagkatapos kong iwasan ang ePLDT sa skul dhil sa conflicts ng sked ko sa OJT at oras ng buhay ko(.)

inhale

nasa page 74 na ko, nang maisipan kong tumigil at inumin ang lumalig kong kape. naks napakape nako..

sorry...exhale na

may gusto akong librong nakita knina...THE CREATIVE LICENSE ni DANNY GREGORY. hindi ko na masydo binasa dhil gusto kong pagipunan un at tska basahin. pero pwede ko rin unti-untiian, balik-balikan sa powerbooks para basahin..hehe P775 lang nmn un at tutal malapit na ang Balentayms Day..graduation day *ahem* ko (sana!!!putek!)..summer vacation..mahal na araw..july 7 (bday ko)..ayos na ayos ung regalo saken..(pffft! as if, sana nababasa to ng nanay at tatay ko)...tungkol kse un sa pagiging artist, pagiging more creative..parang libro ni SARK (na natapos ko nang basahin salamat dhil nde ko na pagiipunan pa) na may psychological principle na putting "YES" sign sa pintuan ng bahay nya. May "YES" sign naman ako sa ding-ding ng kwarto, sa notebook ko at sa kung saang papel na madampiaan ko ng bolpen o lapis.

"Ikaw ba ang bahagi ng katawan mo na buhay pa?"
~spoiler ng Stainless Longganisa
Bili naren kase!



ang murahin ang mundo
POSTED AT 01:08 PM

Bolsyet.
hayaan mo ang aking umaapoy na diwa sa paglabas ng gnitong salita.

pwede ko bang sbhin lahat ng mga murang alam ko d2?!
kung ito lang makakapagpaligaya sken..pwede ba?






January 22nd, 2006

knock out si morales + pacquiao + and a lot more
POSTED AT 07:23 PM

hindi ako nakauwi agad ng bahay sa kadahilanang tunapos namin ang laban ni manny pacquiao...hehe
gusto ko nang BOKSING.
gusto ko yun keysa sa BASKETBOL.
ayaw ko nang basketball. ewan ko kung baket. marami kse masyadong rules..etc..hehe nde! ang tunay na dahilan kse nyan kse nung bata pa ko yun lage ang pinapanuod ni papa kapag umuuwi sya galing saudi. naiinis ako kse sympre si papa na ang masusunod sa TV. kaya tuloy nde ako nakakapanuod ng cartoons kapag andyan si papa..kalaban ko sya tuwing biyernes o khit kelang may replay ng laban ang ginebra.

ah basta round 2 palang hilo na si morales. nakaka-awa nga e..kase halatang halata na bugbog ang mukha nya---well symepre kaya nga boxing e bugbugan. boxing ba yun kung nde ka masusuntok? pero bket gnun, si pacquiao, khit nasusuntok sa mukha e parang nde pren mukhang sinuntok? napansin nyo rin ba? hereditary kaya yun?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
mga alas4 na kme nakaalis kela jhette. mabilis ang byahe, theory nga ni kris aquino, iyon ay dhil ang lahat ay nasa kani-kanilang mga bahay at nanunuod ng laban ni pacquiao. ambilis nga ng byahe ko pramis!
pagbaba ko naman ng tricycle sa may tanada (sa may palengke), nagulat ako sa haba ng pila sa may..

*
**
***
****
*****
******
*******
********
*********
**********
***********
(make a wish)

sa may lotto! ngaun ko lang nkitang GANUN kadame at kahaba ang pila sa lotto dito. parang noong pinalabas ang Titanic..ang haba tlga. humigit kumulang sa 40 katao ang nakapila sa lotto.

~*~*~*~**~*~*~**~*~**~
kagbe, sa overnight nmin kela jhette...habang nilalakbay namin ang novaliche, nakita ko ang isa karatulang nagsasabi ng VEDIOKY. inisip ko kung anong vedioky? alm mo ba kung ano ang vedioky? E yung VIDIOKI? pag nalaman mo kung ano yung mga un, You're A Great Singer!!!

~*~*~*~**~*~*~
talagang bigtime na si pacquiao. nag-iingles na sya ngaun, di tulad dteng tagalog sya kung sumagot sa mga interview after ng laban. ngaun....
NAGIINTERVIEW: anong masasabi mo sa pagkapanalo mo sa labang to?
PACQUIAO: i told you, i told you before...

san kapa?! nde ko na naintindihan ang mga sumunod nyang sinabe dhil sa pagkagulat ko sa kanyang pagkakasagot..ano nga bang sagot nya dun kanina?


January 24th, 2006

ang araw na wala akong pake
POSTED AT 02:06 PM

galet saken si jhette.
may meeting kme sa advertising ng 9:30 AM.
9:30 din ako nagising.
kailangang magbayad ng P2000 para sa advertising.
sa thursday na ang midterms nde pa ko nagbabayad.
may report kme ngaung 11:30
late nanaman ako.
nagtaxi nanaman ako.
dinaan nmn sa may uste, tpos idinaan tlga ako sa matrapik.
30 mins nalang ang natitira sa klase nung dumating ako.
tinanong pa kong bigla sa discussions.
buti nalang nakatyamba.

sana wala nalang akong pake alam.
sana masasabi ko lahat ng mga bagay nang wala nang icoconsider na baka nde maintindihan, baka mali, baka tama..yung basta sasabihin ko nalang. sana wala tlga akong pake alam.


January 28th, 2006

seryosong usapan
POSTED AT 05:04 PM

kalaban mo ba ang oras?
minsan kalaban ko ang oras.

kalaban ko sya kapag may deadline, kapag 5 minutes nalang at may klase ako tpos sobrang trpik at nasa may mcarthur high way plang ako (sa mendiola pa ang ceu), kapag feeling mo antanda-tanda mo na at wla kapang nagagawang matino sa buhay mo (nde ko pa naman nafefeel to), kapag ansaya-saya mo nang araw na yun tpos parang ambilis ng oras, kapag naghihintay ka naman tpos parang antagal-tagal ng oras o ang iniiwas-iwasan kong mangyare....ang kalabanin ang oras dhil may mga bagay akong nagawa na pinagsisihan ko at may mga bagay na hindi ko nagawa at MAS pinagsisisihan ko.

kalaban ko ang oras ngayon.
siguro dhil nafefeel ko na ang 2 buwang taning nang aking pagiging estudyante. busy ngaun, oo. pero sumasagi na sa isip ko na pagkatapos nitong mga puyatan, laftrip, videoke, tambayan sa chelpnet, pagkain sa d'kens...syet! paghahanap na nang trabaho ang aatupagin ko.
date ayoko nang maging estudyante.
gusto ko nang magtrabaho agad.
yun e nung nde ko pa nafefeel ang pagiging mass com ko.
pero ngayon....

natatakot ako. inaamin ko yun.
pero dhil tulad ni win na nde nagpaplano at nangangarap lang..
gusto kong harapin e2 mga to araw araw nang nakangiti.
ayaw kong matense, mataranta, malungkot (dahil magkakahiwa-hiwalay na kme, tpos na ang pagiging estudynte at paghingi ng baon, marami kang mamimiss etc etc..*iyak iyak huhuhuhuhu :[ ), dapat cool lang, namnamin ang bawat sandali.

mataranta ka kapag nde nabanggit pangalan mo sa first call..tpos ung nanay mo dinaig ka pa sa preparations at may isusuot n sya sa graduation mo!

hayy....just a tot.
******

pahabol, nabasa ko tong quote kay uniquely_common

"That by thinking anxiously about the future, they forget the present, such that they live in neither the present nor the future.”

"That they live as if they will never die, and die as though they had never lived.”

~Interview with God (Julie from Paulo; and also from Interview with God.)


January 31st, 2006

nde ako naiinis dahil late ako
POSTED AT 02:11 PM

LATE
late nanaman akong muli.
at midterms namin ngaun, nakahabol ako sa 2nd half ng test.
ung una kase recitation.
ayos lang.

pano nmn kase 10 na ren ako nagcng.

++++

naiinis.
naiirita.
bow.


Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: