go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for December, 2005

December 1st, 2005

mahal kong tabulas.
POSTED AT 11:04 AM

pasensya kung napabayaan kita.. inaamag kana, pasin ko.

siguro tinatamad lang ako. nde nde katamaran ang term ng mga self proclaimed artist tulad ko (bwahahar)...kundi wala sa mood! tama wala lang ako sa mood.

NOV__. SABADO. LIBRARY
ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko! pagdating ko ng skul ng 8:30 am ata, nagpalate ako kase 7am pasok ko tlga e overtime ako sa OJT last night nun.....dala ni jhette ang balita!

"nakuha yung dokyu nten sa channel 5 DOKYU!"

"ows?? (patawa tlga to)"

inulit ko ang confirmationg ito kay jhette mga 5 beses. nde ko maabsorb. parang ayaw kong maniwala! parang gusto kong sumigaw (e nasa library nga ako)...nang medyong slight na-absorb na aking katwan ang pangyayare at balitang showbiz...taena para akong nanghina, umupo sa silya at tinext si win. ayaw rin maniwala ni win.

"nde ako nagbibiro ng mga gn2ng bagay.." ito lang ang nareply ko.

nde na mawala ang ngiti ko sa aking mukha. para na kong tanga. parang gusto ko nang umuwi, ipamalita sa angkan ko, sa angkan ko pang isa, sa mga few high skul friends ko, sa mga online friends ko, sa mga kaibigan ko...pero syempre may load naman ako nun, kaya tinext ko nalang sila.

at nang medyong slight ulet akong nahimasmasan...ang una kong inisp ay......................

ano kaya ang susuotin ko?
hehehe, joke lang. pa-showbiz epek lang.
pero baka nga nde na kme makapagcommute..

AFTERNOON THE SAME DAY
im with somebody with a great deal of intellectual sarcastic point of view. isang taong naniniwalang wala siyang pinaniniwalaan. we went to his favorite place (alam kong paborito nya yun at binabalik balikan) talked about everything, almost everything. ate everything, almost everything, and im beginning to wonder, nde pa nmn kame gnung ka-close nitong taong to pero parang antagal ko na syang kilala...
sealed the night with an odd guilt feeling. he is something.

NOV28. TUESDAY
after kong magsipagsipagan sa pagduduty sa veritas at naglogged out ng 11am, pumunta ng glorietta. nagbasa sa powerbooks. nanuod ng chicken little. bumalik ng sm north. nagkikita sa mcdo. pinuntahan si doray. sumakay sa van ni doray. pumunta ng UP theater, sabay wala nang tiket sila eeyan with some friends who is also named ian, and doray. kmeng 2 lang ni win ang nakapasok at nakapanuod ng concert..tpos parang bitin pa! ang pinaka-ayos na performance lang e yung IMAGO, RADIO ACTIVE at BARBIE...yung iba chorva lang, khit ang SUGARFREE..ung BROWNMAN nasa list ng mga bands na tutugtog pero wla sila don. bitin ang concert bitin! nde ko nafeel ung goal nilang paggunita sa "MUSIC OF THE ERASERHEADS"...well, medyo lang!

haba ng entry noh..bumabawe lang.


December 4th, 2005

so0per moodswing: signal #3
POSTED AT 04:13 PM

walang pasok!
ang haring araw ay nakangiti at sumasayaw sa saliw ng ihip ng hangin ngaun.

natutuwa ako. natutuwa.
naiiyal ako. naiiyak.
gusto kong tumakbo. kahit sa panaginip.
pero ang problema kulang pa nga ako sa tulog.

***********

sa wakas at napanuod ko na rin ang pagdadalaga ni maximo oliveros kahapon. pero dhil wala akong ganang magkwento ngaun, ayaw kong magkwento.

***********

6 weeks nalang bago ang pinakaaabangang ADFEST!!!! e kamusta naman...

**********

2 pasok na lang sa radyo veritas tpos ko na ang OJT ko sa radio. ang problema saan ako magoojt sa tv???!!!

*********

wala paren ang first editing ng thesis ko!

********

nde pa ko nakakapagbayad ng tution!

*******

natatakot ako.

*******

napepressure ako.

******

napapagod ako.

******

gusto kong tumakbo. umalis dito. kahit sa panaginip lang.
pero ang problema kulang ako sa tulog.

huhuhuhuhuuhuhuhuhuhuhu...

commercial lang...(dahil gus2 ko ung quote)
"try to win the second prize for the first is always won by favor or by the person's high standing the second goes by pure merit. So the third should be the second and the first should be the 3rd on this reckoning." congrats ulit sa dokyu! wahehehe
2005/12/04 at 8:28 am ----migraineboi


December 6th, 2005

kulitan portion
POSTED AT 11:00 AM

masaya ako.
nde ko lam bket.

siguro dhil nabawasan iniisip ko.
nakapagbayad n kse ako ng tuition fee knina.
exam nga ngaun sa WOS at media business,
nde ako nagreview pero ayos lang un.

lalalalalallalalalallalala!



December 7th, 2005

life is a matter of decisions..damn how i hate it
POSTED AT 11:42 AM

nde ko alam kung itutuloy ko pa ang ePLDT ko..kararating rating ko lang ngaun ng skul at sakto palabas na nang klasrum ang mga klasm8s ko dun..break time na at babalik nalang mamya ng ala una..

balak ko umuwi nalang pagkatapos kong magbabad at magpalipas ng oras at magwaldas ng pera sa net. iniisip ko din kung sang station ako mag-oojt. sa friday, kailangan ko palang i-group mga groupmates ko sa xmas carols namin. tandaan mo yon ah? tandaan mo! taenang yan! bukas wala kaseng pasok e..

kung sumama kaya ako kay eeyan sa greenhills ngaun? hmmmm...wag nalang sayang pamasahe ko.

umuwi nalang kaya ako ngaun?
dadaan ba ako ng sm?
bumili nalang kaya ako ng blank cds paguwi ko.
pagdating ko nang bahay, magrereview nalang ako sa advertising. prelim na dun sa sabado!
kumain na muna kaya ako sa mcdo?
mamasyal kaya ako?
bumili kaya ako ng sapatos ngaun?
mag-rent kaya ako ng vcd?
bilhin ko na kaya ung P99 na vcd ng eternal sunshine of the spotless mind? sana meron pa nun...
nde tatapusin ko na ung da vinci code..
pumunta kaya akong tutuban?
ah...gn2! pupunta akong sm manila kakain ako sa mcdo, bibili ako ng salad sa wendys tpos bibilhin ko ung vcd. tpos uuwi na ko para magreview! tpos magsoundtrip! tpos matulog!

pero sa ngaun..

magiinternet na muna ako.

COMMERCIAL!
ang pagdadalaga ni
Maxi..ang kanyang blogspot!



December 12th, 2005

return of the randomness
POSTED AT 06:38 PM

kagagaling ko lang kela lola ngaun, may pinakuha sken si mama dun tpos umalis na din ako maya maya.

++++++
nde na ko ulet makapaghantay na mag-net because i feel i getting insane. dependent na ata cguro ako ng internet. feeling ko nga nwala ako sa sirkulasyon simula ng nasira ang PC ko.

++++++
oo nga pla! may pagOOJThan na ako sa TV!! nakapasok (din) ako sa Eat Bulaga!! buti nalang sumama ako kela erwin. kundi nakatanga pren ako ngaun sa bahay nagiisip at namomroblema kung saan ako magOOJT sa TV. bukas na nga ang start e. kasama ko sila cha-cha, si mitchel, si teope at si jhette. maganda to--- bago!

nanuuod nga pla kme ng Eat BUlaga knina LIVE! hehe ang iba nga ng feeling e, kse last time nuod ko sa Eat bulaga e grade skul palang ako. pero napatunayan kong mas magandang manuod sa tv sa bahay keysa dun sa broadway.

++++++
ubos nanaman ang battery ng mp3! pang 5 ko na ata to ngaung week na to. ayun nashare ko lang.

++++++
minsan ayaw kong magsalita. ewan ko. abnormal na cguro tlga ako. parang minsan nde ko feel magsalita, chikahin katabi ko, kulitin ibang tao. nilalabanan ko naman e. pero ewan, nde ko lang tlaga feel. chorva lang!

++++++
unti-unti nang naayos mga iniisip ko nitong nakaraang mga gabi at mga linggo. may pagOOJThan na ko. nagusap nren grup nmin bout sa product nmin. pero bket gnun parang nde pren ok?

at baket nde ko nafefeel ung artistic flow tulad nung dte sa Ligaw...?

++++++
nde na muna ako makikinig ng dashboard...may psychological effect e.











December 15th, 2005

kaya naman pala, bilog ang buwan
POSTED AT 07:40 PM

habang pauwi ako at nagaabang ng tren sa d.jose, napansin ko bilog pala ang buwan ngaun. habang pinagmamasdan ko to. parang iba ang pakiramdam ko. parang may maiinit sa loob ko at nagsasabing iba ang gabing ito sa mga gabing nakaraan na sa buhay ko.
(sabay tingin sa aking mga kamay na humahaba ang kuko bawat sigundo. at naramdaman ang maiinit na likidong pumupunit sa aking tiyan. ako ay isang manananggal!)tiningnan ko ang buwan, na may background music sa tenga ko.

sumandal ako sa harang at dinama ang lamig ng hangin na nagsasabing december na girl! (bwahahar). tutal wala panaman ang tren...

masaya na ulit ako.

oo rohbert, masaya na ako.

buti may student congress. buti may misa kagabe. buti may simpleng patawa si sister. buti may cutie intellectual UP guy named jasper. (sabay hanap sa friendster.) buti nandyan si mama. buti may mga kaibigan. buti may OJT sa eat bulaga. buti maraming libre nung congress. buti nakita ko si aisa ico sa congress. buti. buti. buti. masarapa ang mabuhay.

kung minsan man e nafil mo na parang walang magandang nangyayare sa buhay mo. nabobored kana nang sobra. o kung namomroblema ka dahil wala kang problema o khit meron. o feeling mo sobrang abnormal mo na.

tandaan.

nde masamang maging abnormal.

matuwa ka dahil iba ka.

matuwa ka dahil nde ka tulad nila.

dahil mas boring ang buhay kung pareparehas kayong may suot ng pareparehas na tshirt.

matuwa ka!
lumipad!
(bilog ang buwan ngaun.)



December 17th, 2005

DELAYED TELECAST ***
POSTED AT 11:32 AM


last tuesday nagumpisa na kong magOJT sa Eat Bulaga. yess! sa Eat Bulaga na ko nagOOJT ngaun. at sobrang saya ko dhil short term dream ko rin ang makapagOJT sa Eat Bulaga. Mabuti nalang talaga napasama ako kela win..

inassign kme ni cha-cha sa production. ang unang trabahong ginawa ko sa OJT ko sa Eat Bulaga ay ang pagbili ng shower caps na gagamitin nila sa Bulagaan.



sir lester_baet: bumili ka ng ganito (shower caps) sa watsons sa center point...

ako: po?

sir lester_baet: sa watsons..

ako: ah..opo!!

sabay kausap kay cha-cha..nde pa kaya ako nakakapunta ng sm center point sa talambuhay ko. pero nde ako kinakabahan, excited nga ako e. tinanong ko kay teope este kay edward john (ej) kung anong sasakyan ko papunta dun. sbe nya sumakay ako ng jeep cubao-divisoria. sinakyan ko cubao. dapat nga pa-divisoria yung trip. e d inikot ako nung mamang drayber. ambaet nga e, nde na ko hiningan ng bayad ulet sa pagikot nya.

mamang drayber_baet: miss, ito ang es-em..

ako: salamat po, manong!

I THEREFORE CONCLUDE THAT SM STA. MESA AND SM CENTERPOINT ay iisa!

taenang yan....ansaya db?!

but wait!!!!!!! there's mmooooore!
pagdating ko ng Broadway. . .

sir lester_baet: ok cge, bigyan mo na sila ng shower caps except kay vic and joey

ako: (sa isip) seryoso ka?

iniisip ko kung pano ko sila aabangan ng dressing room, kung ano sasabihin ko..sir francis, shower cap po..at sa kahit anong pagdedesisyon ko kung panong istayl ang gagawin ko, i come up with the most intelligent, a breakthrough to public communication.....inabot ko lang sknila with a smile!
sabay kakamayan ka ni jose akala nya fan ka nya. hehehe

eto pa..meron pa ko chika!


























wag na lang nitatamad na ako e. tska na ulet.
pasko na alam mo ba?!





December 20th, 2005

buhay showbizzz...
POSTED AT 02:11 PM

mamya na ang interview nmin sa channel 5 (DOKYU)...maniwala ka man o hindi pero nde ako nakakramdam ng excitement...well masama un. baka magmukha akong tanga sa harap ng kamera at nang buong pilipinas...

sa loob lang un ishoshoot e mukha pa ngang uulan e. bahala na si batman! tuwang tuwa nga si mama e nung ikwenento ko sa knya nang araw na mismong sinabe sken ni jhette na tumawag na ung channel 5 para sbhin smeng magready na kme para sa taping. nahalikan nya ko sa tuwa. kanina nga ipinagplantsa nya pa ako ng damit.

debut ko pa naman to sa showbizzz..syet! (nyak nyak nyak)
ito ung mga guide questions na binigay smen:
I. personal side of the filmmakers
a. aside from doing documentaries , your interests, hobbies, past time and extra curricular activities.
b. your present job, whats keeping you busy nowadays.
c. your beliefs, guidelines in life, philosphies, and your inspirations or influences
d.anything that has something to do with your personality and character.

II. the filmmaker talks about her/his documentaries
a. teel us something about your docu. bords eyeview of ur docu
b. your primary intertion, the reason behind ur docu.
c. fave or unforgettable experience while doing ur docu. (person/incident)
d. struggles or troubles while shooting ur docu
e. ur reason 4 choosing that topicf.ur message to ur viewers of audiences

III.
ur understanding about documentaries (as a whole)
a. describe documentaries
b. importance of doing docus.

taena nde na ko makakapagcommute.
(joke lang...nde bagay sken magyabang e, c erwin lang expert dun!!!)


December 22nd, 2005

sobra sobra, tiba tiba (buhay showbizzz part II)
POSTED AT 06:18 PM

ako ay isang taksil mahal kong tabulas! taksil!

meron na akong ipinalit saung iba..
ANG NUMBER 2 KO


**************************************************
dec. 20 tuesday
nde ko na rin alam kung anong oras kme nagumpisa ng taping ng interview chorva nmin. kasi bago kame ung UZI muna ang ininterview.

nakaka-ilang.

nde ako sanay na ako ang tinututukan ng camera sa halip na ako (kme) ang nasa likod ng camera. kung iisipin mo ang dali dali ng mga tanong. simple. pero kapag natutukan kana ng camera para kanaring hinoldap ng sasabihin. sino ang idol mo? anong paborito mong pagkain? anong motto mo sa buhay? putek yang mga tanong na yan e parang algebraic expression nang mga moment na un.

8PM nren kme natpos ng taping ("taping" naks parang artista ang tunog). nagshoot kme sa may hagdan sa dean's office. sa lola's at sa may labas ng library.. masaya. nakaka-ilang. bago. mainit ang ilaw. tapos feeling ko pa dun sa ibang mga tanong parang ang labo at wala nmng mga laman ung sinabe ko. un tipong kapag napanuod ko na un sa tv e, maiinis ako sa sarili ko ng todo dahil meron pang mas magandang sagot don tpos nde ko nasagot ng maayos ung tanong. ung parang pakiramdam mo sa mga contestant ng laban o bawi kapag na bablack-out ang utak nila. ganuuuun! putek tlga!

pero relak. (s)

and theres more. u know!

dec.21 wednesday sa OJT sa eat bulaga...
Ako, Gemmalyn Tapar na baguhan sa Tropang Masaya (TM) ay nangako sa harap nila Edward John Teope, Erwin Sison at Rohbert Roxas na hinding hindi ipagsasabi ang nangyare pagkatapos nang aming masayang "joke time" backstage. Kahit na ito ay isang showbiz experience muli.
Ang pagkanta nito dito sa Internet ay simbolo lamang nang kadaldalan na may halong pagkakatwa sa sarili maging sa mga kasamang nabanggit.
Ang pagsuway sa napagkasunduan ay may kaukulang parusa na pagsinghot ng 2nd hand smoke 3 o higit pang beses sa isang araw, kung kailan naiisin ng mga kasama na mag-yosi.
Kung kaya hindi ko ito...
sasabihin, bakla!

****************************************************

ANUNSYO!!!!

kelan: january 4, 2006 11PM Wednesday
saan: DOKYU (channel 5)
ano: Ligaw sa Quaipo with the makers
anong mapapala: makikita mo ako dun at pwede mo rin akong pagtawan ng konte.






Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: