go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for September, 2005

September 1st, 2005

walaaaang kachorva-chorva!
POSTED AT 11:36 PM

kararating ko lang knina.....bihis, hilamos, nde na nga ako naghapunan d2 kase pinakain na kme ni tita sa knina bago kme umalis.

ngaun nman pag dating ko d2 sa bahay, andame ko nmng kailangang gawin. type ng preliminaries at magimpake (lalayas na kse ako, joke lng)....kase magoovernight kme agen kela jhette para sa tpusin ang script para sa editing at magpa-edit. mga 4 na araw din akong mawawalay sa malambot kong unan. huhuhuhuhuhu...=P

andame na pimpols ko dhil sa puyat (nde 2loy ako makapagpiktyur), nde ko pa mkita yung malake kong bag...4 days kse kme kela jhette start bukas ng gbe til monday. (baka nga pti tuesday e) kse start na ng editing sa sunday, kelangan din nmin ng script para sa editing para mabilis ang chrova..

word of last night: walaaaaang kachorva-chorva sabay ser cortado PANALO imitation.

hehehe mga wasted na kme. mga lalakeng nahawa sa kachorvahan ko. alam kong online karen jhette...ayup!

cge nachochorva nren ako..


September 5th, 2005

ka-message + 3x overnight + puyatan ulet
POSTED AT 10:15 AM

Image hosted by Photobucket.comwin-gem-jhette

1
may tao akong nakilala sa fiendster. lage kmeng magka-message simula nang....lage akong may bagong piktyur sa photos (?) natutuwa ako sa kanya dhil masarap syang kausap. parang antagal ko n nga syang kilala. kung minsan nga mas excited pa kong mkita kung may message na sya sken keysa sa kung ilang tao na ang nka-view ng friendster ko. hehe gnung factor daw. =) nabasa ko ang blog nya sa friendster....wla lang nshare ko lang nmn..

2
simula friday hanggang kagbe..nagovernight ako kela jhette. nakakamiss plang mhiwalay ka sa pamilya noh? feeling mo nag-saudi ka at nahohome sick ka. pero nde nmn ako na home sick kse andme ring gngawa e....ang 22o nmimiss ko kapatid ko..hehe...ngaun nmng and2 na ko sa bhay, wala nmn na sya kse pumasok n sya e. =(

3
mamyang 1 babalik ulet akong nova para sa 1st editing day (night) nmin. border n nga ako kela tita e..hehe..;P sana maayos nmin to..alam kong mas masarap ang pakiramdam kpag nkita n nming buo at maganda (pa lalu..hehe) ang dokyu nmin. khit wlang awards sa VIDEO FEST(utut!) ok lang un...

advertisement...
CEU VIDEO FEST 2005
viewing sept 21-22
awarding sept 24

DOCUFEST ng i-witness
sept13 (ata) sm manila cinema12


September 9th, 2005

SA WAKAS..dagdag sa panulat ni Erwin
POSTED AT 10:39 PM

FRIENDSTER BULLETIN ni erwin:
matapos ang isang buong linggong pagpupuyat at
sa mahigit dalawang buwan na pagtambay sa
quiapo, makakatulog na tyo!!

tapos na ang ligaw sa quiapo sa wakas!!

baliktad na ang t-shirt ko.. baliktarin mo na rin
yang iyo!

\m/
======

sa eksaktong 12:30am kninang umaga, natapos na rin sa wakas ang pag-edit ng dokyu nmin. at anong saya at fulfillment ang nadama ko (nmen) nang mga oras na yun. nde ako umiiyak habang tinatayp ko to, gagew!

e kse sa 2 buwan at halos magtatlo na nga, nagkasama kme ng Quiapo. habang sa parang naging mall na nmin ang underpass at plaza. hehe mukha kmeng tanga nung occular (july14, tandang tanda ko kse jinournal ko un e) takot na takot kmeng maglabas ng video cam. marami akong mamimiss. aside sa pagpunta nmin sa quiapo, e ung mga adventures din nmin, mga laugh trip, mga walang kachorva chorvang hintayan sa mcdo, yung overnight, yung kwentuhan sa byahe, yung overnight, yung mga impromtu questions, yung mga vendors sa quiapo, yung mga batang quiapo, yung piktyur piktyuran, yung paste..hehe, yung gabeng ansarap ng kape ni tita, yung brainstorming...syet! dun ko nalaman ang purpose ko in life---ang maging isang brain stormer! hehe, yungmagkocommute kela jhette, yung rambol sa may recto ng alas11 ng gbe, yung samahan: jhette, erwin, charles..kse nde nmn tlga cguro kme magpapansinan sa klasrum kung nde tau magkakagrup sa dokyu.

at hindi lang uniqueness ng kultura ng pilipino ang narealize ko sa pagkaligaw ko sa quiapo, nalaman ko ring marami rin plang 2lad ko (na adik) na ayaw na at sayang sawa na sa pagiging istiryo-tipikal ng mga chorva. marahil naging masaya at less mapgod ang dokyung ito dhil sa mga taong nakasama ko, dahil marami kmeng napagkakasunduan.

masaya kse tpos na =)
malungkot kse tpos na =(
dalawang bagay na magka-iba pero parehas kong nararamdaman..

...baliktad n tshirt ko, sayo?







September 11th, 2005

panibagong lakas
POSTED AT 04:47 PM

pagkatapos kong mairaos ang dokyu namin. parang naubusan na ata ako ng kasipagan sa katawan. ubos ang enerhiya ko!

pero konteng tyaga na lang, gemmalyn tapar...makakaraos rin ang 4th yr 1st sem mo!




September 14th, 2005

bitternessing?!
POSTED AT 10:12 AM

khapon after 10 years nakapagusap kme. (bout lang un sa videofest) kme ni chorva. at nasabe ko sa sarili kong nde ako nagsisisi sa kung ano mang naging desisyon ko.
*

e2 nanaman ako sa pc na ito. tanaw ang apat na sulok ng monitor. nagtatayp. at medyo nagkukunyaring nde nangangarag sa thesis nya. nakakatamad kase e. seryoso, nde nmn ako tamad na estudyante. parang nakakawalang gana lang ngaung panahon na ito. theory ko, cguro dhil kulang lang ako lage sa tulog. pero nde rin e..pero dhil gusto kong grumadweyt at big time ang thesis, cge na nga, gagawin ko na...ng maayos!
*

kararating ko lang galeng Lagro, dun sa pinageeditan nmin ng DOKYU nmin. ewan ko ba pro kpag nadun ako, umaandar ang pagiging nostalgic ko, e helor?! wla pang 1 week e ndun nmn din kme. cguro e2 nanaman ako.
kse cguro tpos na.
alam kong tapos na ang dokyu.
tpos na ang hintayan sa mcdo.
mga pagpunta ng quiapo.
mga laugh trip.

ANDRAMA..ampness~

ayoko kse ng gntong point e.
share ko lang.
nalulungkot ako.
kaya hanggat maari, habang andun pa ko sa range ng pangyayareng un, habang nde pa ko masyadong nakakalayo.. ninamnam ko. nde na to tungkol sa dokyu, ayup ka!

gnun na kse ang naging prinsipyo ko. namnamin ang ngaun! kung minsan silipin ang bukas, pero wla n cgurong mas hahalaga para sken kung hindi ang ngaun. dte kase puro ako kahapon. puro nakaraan. ayoko nang makulong dun ulet, kse mahirap makatakas at bumalik sa katinuan. kaya e2, gn2 ako.

namnamin mo ang ngaun mo. kase bukas pwedeng iba na yan. pero pwede ring hindi. wlang may alam.

pero sana laging ganito. masaya.

masaya khit walang lablayp




September 16th, 2005

puyat pero masaya
POSTED AT 12:11 AM

gemmalyn.

bente.
maganda.(chorva!)
pagod.
puyat.

kakatayp ng chapter 3 na isang buwan nang nakatambak.

napass na nmin ung VHS at tarpaulin nmin knina kela direk Ed. hanep ang bahay ni direk. art kung art. undescribable feeling parang a whole new world...literally pare!

si direk ed ang prof nmin sa tv production..major 9 (ata?!) mailalarawan ko sya bilang isang dakilang alagad ng sining. nagtrabaho sya sa channel 4 date. 30 yrs nrin syang nasa larangan ng telebisyon. isa siyang direktor. alam nyo bang sya ang unang naging direktor ng chikiting patrol? nagtuturo rin sya sa UST.
ngunit ang ungrateful job nyang minahal nya ay sadyang napaka saklap sa kanya ang nagbibigay sa kanya ng kalungkutan.
nde ko man sya personal na kilala, pero sobrang taas ng respeto ko sa kanya. alam kong malungkot sya. bket? basta, nafefeel ko lang.
ganun sya ka hardcore. kaya nirerespeto ko sya bilang isang guro.
(di tulad ng ibang prof)

sa wednesday na veiwing ng entries ng VIDEOFEST
excited na ko.
pati sa pag-hang ng poster nmin.
pati sa brochure.
excited na ko.
talaga.
talagang-talaga.
+++++

miss n din kta vespren gienah mae. alam kong magkakasama taung muli. isasakay kita kung kaylan mo gusto at kung kaylan mo gusto..(gets?) ikaw lang e, ayaw mo pa kseng ipagaspas ang pakpak mo. tingnan mo, pag ginawa mo yun, mataas pa lipad mo sken....hinintay ko lang nmn ang pagkalabit mo sken. mwah! goodluck sa talkshow!=)

*balik sa pagtatayp ng chapter 3




baket may alimango?
POSTED AT 10:51 PM

next week na ang viewing. pati ang awarding.

excited na kong makita mga reactions nila sa dokyu nmin.
khit medyo nagiging mas competitive ang hangin sa paligid. wala na ko pake alam dun, basta maayos ung dokyung nagawa nmin at na-enjoy nmin un ng sobra. wlang pressure sa deadline. tamang tama lang!

nde ako makatulog khit inaantok ako sa sobrang kulang ko sa tulog kse puro videofest responsibilities ang sinsigaw ng utak ko, parang gusto ko ngang trabahuhin to..as in now na! para lang matahimik ang ang aking konsensya.

sana maging maayos ang lahat ng tulad ng plinano..kung may plano nga?!


September 19th, 2005

reply
POSTED AT 10:17 AM

@tong...nde tumutuloy yung link mo kpag kiniclick ko e...marahil makakakuha k ng puso ng saging sa gubat.

@treach...tama b? salamat.

dme ko kelangan gawin..


September 20th, 2005

wala ka pa man, mahal na kita..
POSTED AT 08:15 AM

nakakatawang isipin na sa tagal ng lahat, sa bandang
huli makakalaya ka at makakangiting muli.
masasabi kong minahal ko siya. oo. tama. tama na
yon. kung dati ay hindi ko malaman ang gagawin ko
kapag kaharap siya. hindi ako makaisip nang magan-
dang sasabihin o di kaya umiiwas ako sa kanya.
akala ko ganun lang tlaga un. pero napatunayan ko
rin na hindi ganun ang tunay na pagmamahal. hindi
yun kapag nauubusan ka ng sasabihin, hindi yun
kapag malakas ang kabog ng dibdib mo, hindi lang
yun basta text niya ng miss you at mwah. hindi lang
yun tawag sa gabi. kung tutuusin wala pala kame
halos pinagkakasunduan. marahil nadala lang kame.
at nag-akalang kami ay para sa isa't isa.
ngayong kaya ko nang harapin siya, kaya ko nang
kausapin siya tungkol saan, kaya ko nang hindi
replayan text nya, kaya ko nang ibaba ang telepono
kahit gusto niya pang makipagusap. malaya na ako!
hindi pa ako nagsasawa sa pagkasawa sa pagiging
eksperimento mo, tadhana. sige lang, ubusin mo ang
pasensiya ko. ngayon pa na expert na ko sa "kami
pero nde naman" na relasyon. ako at aking sarcasm!
pero sa oras na makita ko ang totoong chorva,
napaka-swerte nya. mamahalin ko siya ng sobra.
aalagaan. yayakapin parati. kakagatin. susuntukin.
panggigigilan. kukurutin. sasampalin. babatukan...
wala ka pa man, mahal na kita. hehe...


September 25th, 2005

REMINDER: HINDI KO TO MALILIMUTAN!
POSTED AT 08:25 PM

Image hosted by Photobucket.com
L-R: charles, erwin, ako at c jhette
maraming mahahalaga at magandang nangyare para saken at sa mga ka-dokyu ko sa nagdaan Linggong ito. pinalabas na ang dugo, pawis, tawanan, puyat at gutom naming dokyu sa CEU last wednesday. Masaya at di maipaliwanang ang naramdaman ko ng mga oras na yun!!! ang lahat ay parang bahagi ng isang makabuluhang pag-ikot ng mundo ko na isa namang dating nangangarap lang. Ang sarap makita at marinig ang mga comments at reaksyon ng mga tao sa dokyu namin. Marahil yun na ang pinaka-fulfillment ko sa pagiging bahagi ng ginawa nming yun!
putek, nde ko lam gagamitin kong salita...seryoso!

kahapon naman ang awarding ng VIDEOFEST. naiinis ako dahil hindi konararamdaman ang mga nangyayare. parang namanhid ako sa sobrang bilis ng lahat. hinid ko nabilang kung ilang beses kaming pumanik ng stage (jhette, erwin, ako at charles) akyat, baba, akyat, baba..hindi man kami nanalo ng BEST DOCUMENTARY, naakot parin naman namin ang mga spoecial awards categorizing documentary..hindi ko nga lang matandaan kung anu-ano yun, nakakainis! di ba nga para kong nsa alapaap?! nakuha rin ni jhette ang best director!apir!!!


kahit halos lahat ng kamalasan ay nangyare na ata sken kahapon, masaya parin ako para sa aten mga tsong! sa sibs (yea!), sa mga taong tulad ko ay sobrang minahal ang ginawa nila at nagpapasalam ako sa DIYOS sa lahat ng blessing, mga bagong nakilala at kaibigan, sa sining, sa talento, sa ballpen, sa gabing ang sarap ng kape, sa umagang mga adik kame,,hhehe(sa paste), sa biyahe papuntang Lagro at pabalik, sa tawanan, sa puyatan at redbull, piktyuran , sa pagpunta sa Quiapo, sa mga nakilala nmin dun, sa mga taong sumuporta samin: mga magulang, kaklase (ABMCB4B), sa mga dating kaklase na humiyaw, nagtxt, bumati at masaya para samin, kanya-kanyang barkada, sa Quiazon Family, kay Kuya Rhyan (im not kidding, im ryhan! hehe), kay Tita (mrs. rayos), sa lahat na nakahalubilo namin ng halos 3 buwan. sino pa ba?..hmmm...basta yun! apir tayong lahat!!!m/

salamat sa mga bumati. congrats din senyo! enjoy lang di ba?! enjoy lang! wala nang halong chorva...para nde ma-stroke!

jhette>>> san tayo nito? balik tayo Quiapo ng Tuesday muna, puntahan natin sila Nanay Nenet at ALing tess. Simba tayo! putek, mamimiss ko to..ngayon palang namimiss ko na nga e!
erwin>>> panalo! hehe apir!
charles>>>wag ka ana muna antok, celebrate pa tayo!

at para sa akin ang LIGAW SA QUIAPO ang pinaka-asteeeeg matagal nang baliktad tshirt ko!

marahil tapos na ang purpose ng lahat ngayon sem--ang makatapos ng mga kanya-kanyang show at pumasa sa tv prod (nde pa tapos ang thesis)--pero hindi lang kase yun groupings at makapagsubmit ng dokyu kay direk,lam kong hindi nyo rin to malilimutan dahil tulad ko mahal nyo rin ang ginawa nting, ang bawat aspeto ng dokyu nten. at mahal natin ang isat isa..taena ang drama ko..hehehehhehehe!
umpisa palang to, may ADFEST pa tau next sem..dagdag pa tau ng trohpy sa bahay at magagandang memories sa ating college layp! apir para sa lahat! =D


September 28th, 2005

battle wid jessica zafra and my conscience
POSTED AT 07:28 AM

back to my normal life....uwi maaga-baba Monumento station-daan National bookstore at paikot ikot ng 2 hours at nagpapakalunod sa mga librong sa panaginip ko lang mabibili...ang mahal kase ng P300+ sken, tpos hihiramin sau ung libro tpos nde na sasauli? wag nlang..

P50 nalang tlaga pera ko sa bulsa. pang-FX ko un at may sukli pa kong P25, kung tutuusin.

matagal ko nang nakikita ang mga libro ni jessica zafra twisted books..pero ngaun ko lang sinubukang basahin.
nabasa ko ung 2nd story ng kanyang twisted V book, at sobrang nagkataon dhil gnung gnun ang nararamdaman ko..ang fave part ko nga dun e ung bandang huli (in english pero e2 translation ko) maling maging madly inlove ka, pero kung sanely inlove k nmn, ano pang point ng lahat?

para ngang gusto kong gastusin pera saken ni win, at ipangbili ng librong un..
inner self:sige na bilhin mo n, palitan mo nalang bukas ng baon mo ung pera.
ako: e pupunta kme lagro bukas e, bka kulangin nmn pera ko
inner self: e di mangutang ka
ako: e may utang pa nga ako e

mabuti nlang at mahaba ang pila sa counter at hindi ko isinugal ang pera. sa labanan ng konsensya ko at ng makasarili kong inner self, konswelo ko nlang sa sarili ko ang pangakong bibili ako ng lanzones paglabas ko. e wla nang lanzones na tinda e. kaya C2 at nagarayang yellow nlang ang binili ko at kinain habang nasa FX pauwi ng bahay.

sabay txt NIYA ng "gudpm gem, pnta k b skul 2m, wat tym po?" pansinin ang pangalan kong wlang mama..hehe
pinapatunayan nya lang lalu sken na nag-gagaguhan kme dte. 2mwag din pla sya sa bahay ng 2 beses, sbe ng kapatid ko. tinawagan ko nmn siya..."o 2mawag ka daw" "oo, may pasok b kau bukas" "oo" "wat tym?" "mga 2 pa, pero pupunta ako ng maaga, magkikita nmn kme ni barney...bket?" "pahiram nmn ako ng recorder mo" "e hiniram e, nakay erwin"
at may dumaang malamig na hangin at umikot ikot na ang usapan sa recorder. nagbabay n sya. nagbabay na ako.

napakasama ko b kung isipin kong "buti nga"?


Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: