go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for August, 2005

August 1st, 2005

titingin pa!
POSTED AT 02:35 PM

kanina pauwi ko galeng ng skul... (anyway, congrats ulet kay rohbertson!) may nakasakay akong mamang...

ansamang makatingin.

ung tipong tiningnan ko na nga rin sya.
titingin pa sya ulet.
nahuli ko na.
uulitin p nya ang pagtingin.
hindi naman ako, naka plunging neckline o naka-mini skirt. nde nmn malaki ang boobs ko. naka-uniform lang nga ako e.

hindi naman nakakamatay ang tingin. pero kung may halo itong panggigigil at pagtingin sa hita...

ahhhh...
ibang usapan na yun.

mapapamura ka pag ginanun ka.

mga 4-6 na beses ko syang nahuling ganun.
tpos nde na ko nakapagpigil at nang naka-ikot na ang jeep nming sinasakyan sa may monumento circle sbe ko..

"anong problema mo?" mdyo malakas ang boses ko para
maeskandalo sya.
"wala." bulong nya.
"e wla naman pala e."sagot ko.
"e...vludusjdrepqod...kdfoie" may kung anu pa syang sinabeng nde ko maintindihan sa sobrang hina ng boses nya.

pero nde pa dun nagtatapos ang pagtingin nya.
taena, tlagang nakakunot na ang ulo ko. kaya sabe ko sa sarili ko, kapag hindi tumigil ang mamang yan at kapag tumingin pa ulit, sisikuhin ko na!

e narinig nya ata ang nasa isip ko..
kaya nde n sya tumingin ulit.
at tamang tama at bababa nren ako.

ang mga taong tulad nya ay dapat binabalatan ng buhay at pinapatakan ng kalamansi sa mata tpos pagulungin sa asin.
paksyit kaung mga manyak na kau!


August 3rd, 2005

PHOTO SESSIONS PART II
POSTED AT 01:17 PM

e2 pa ung iba kong kinuhanan sa labas ng quiapo.

Image hosted by Photobucket.com plastic covered saints

Image hosted by Photobucket.com pamparegla!

Image hosted by Photobucket.com this way to the heavens

Image hosted by Photobucket.com sampaguita

Image hosted by Photobucket.com gone shopping!

Image hosted by Photobucket.com w8 kta d2

Image hosted by Photobucket.com wer n u?

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.comsaw saw ka.

syempre mawawala ba mga ka-dokyu ko..
Image hosted by Photobucket.com
jet (e2 si code_of_sinners d2 sa tabulas)

Image hosted by Photobucket.com
erwin

Image hosted by Photobucket.comjones ako erwin

Image hosted by Photobucket.comako at jones


August 4th, 2005

AMPEYR!
POSTED AT 05:03 PM

kung minsan nde lahat ng inaasahan mong dapat mangyare ay mangyayare. khit akala mo nagampanan mo ng maganda ang dapat mong gawin. nakakadisaapoint kapag gnun. halimbawa, nag-aral ka tapos 3 lang nakuha mo samantalang ung ma nde nag-review sila pa ung 2.25 at 1.75...nakakainis yun. nakakabadtrip! hindi pla lahat ng mabuti ay nagreresulta ng mabuti. e di sana nde ko nalang sineryoso ang pag-aaral ko ng magdamag kung gnun lang din ang labanan. HINDI patas. sana nangopya nalang din ako, para parehas kmeng mataas. nakakainis tlga!


August 6th, 2005

niaantok pa ko
POSTED AT 04:04 PM

sinubaybayan nmin ang buhay ni lola nenet simula kahapon ng hapon hanggang kanina. at from 6 pipol na kasama sa overnight escapade na yun e naging 3 lang kme: jet, ako at erwin. dapat ksma tlga nmin si charles kaya lang he attended some "meeting" e nagmamadali na kme dhil baka nde na namin maabutan si lola, kaya iniwan na nmin sya.

maulan na gbe un. sabay may dala pa kmeng groceries. tpos 1st friday pa sa quiapo. gnun pala dun kpag 1st friday. at ito pa daig ang siksikan na LRT ang mga tao sa loob ah..heart beat to heart beat na as in! pagkatapos nming maulanan sa lbas, pagpasok nmin ng simbahan na parang concert ng isang sikat na banda. di mahulugang karayom ang basilica kagabe. naghalong tubig ulan at pawis ang mga tubig sa mukha't katawan nmin.

2 hours din ang byahe ni lola nenet mula quiapo hanggang marikina. 66 years old na si lola pero nde ko paren ma-imagine na nagbabyahe sya ng gnun katagal khit kasama nmin sya sa byahe buong gabe. 2 jeep din ang sinakyan nmin bago pa ang bahay ni lola.

mga 9pm nrin kme nakarating kala lola.
onteng kain. onteng interview. onteng shooting.

by 10:30pm pumunta na kme kila rain, si erwin umuwi sa knila. lakas trip nmin ni jet dhil nilakad nmin ang "akala" kong malapit lang kse, sabay hingal hingal n kme pagdating. wla pang 3 hours ang tulog nmin, nagmissed call n si erwin.

nagkikita n ulet sa 7/11 tpos sabay sabay na pumuntang bahay ni lola.

6:30 nrin kme umalis ng marikina. 8:30 n kme nakarating quiapo. nag-shoot ulet sa pwesto ni lola sa simbahan at pagkatapos nag-picture taking sa ulan. hehehe ang saya nga e. parang wlang ulan nsa gitna p kme ng plaza.

go nmn ng go si erwinm kpag sinabe kong tara picturan kita dito..pra kmeng sira..hehe bumabawe andame nyang kuha ngaun, kse date puro likod nya lang.

im looking forward for monday, dhil magshoshoot n ulet kme for another quaipo experience. sana maging maayos ang lhat at sana maging maganda ang dokyu namen. Aaaaamen!


August 8th, 2005

speaking in tongues
POSTED AT 11:13 AM

i ask permission to you vespren to post some of the conversations we had a while ago..bhla na kayo mag-figure out kung ano man ang pinaguusapn nmin dyan, anyway, kme lang nmn ang nagkakaintindihan..

porpoloreynj: marami k nmng kakapitan e...kalabitin mo lang sila..
gienahl : bago ko pa sila makalabit, nahulog na ko... ayoko ng
mangalabit baka mahulog din gaya ko...
porpoloreynj: para ibigay nila kamay nila sau
porpoloreynj: sabagay..gnun din ako..
gienahl : mahirap na baka maligtas nga ko, sila naman makabitaw,
di ko masalo...
porpoloreynj: parang pelikula.
gienahl : todo tong moment na to diba?!?
gienahl : daig ko pa artista...
porpoloreynj: hehe..
gienahl : salamat sa pagbabasa...
gienahl : naiinggit ako sa pagka free spirited mo... sana umabot
din ako sa ganyang level...
porpoloreynj: free spirited..inspired lang. kse madame akong
bagong kaibigan..mga lumilipad din kase sila
porpoloreynj: hehe..
porpoloreynj: lumipad kna rin kase
gienahl : ang dami ko kasing dala, ang hirap iwan... pano ba
bumitaw?
gienahl : pano ako lulutang kung mahigpit ang kapit ng putik
sa mga paa ko?
porpoloreynj: wag kang gumalaw..tpos kpag manhid kana..tska
ka lumipad
gienahl : di ba mas masarap lumipad kung di ka manhid? mas
mararamdaman mo yung hampas ng hangin, makikita mo yung
ganda ng langit...
porpoloreynj: manhid sa pagkahigpit ng putik..syempre kapag
lumipad kana, wla kana sa putik nde kna manhid
porpoloreynj: were speaking in tongues tsong..
porpoloreynj: para tayong mga poets
gienahl : minsan mas masarap magusap ng ganito
porpoloreynj: tama..
gienahl : mas gumagaan ang pasan ko
porpoloreynj: hindi dhil sa gutom kna pero dhil mas malalabas mo..
porpoloreynj: lipad...
gienahl : darna...
gienahl : lipad..
porpoloreynj: hehe..
gienahl : hahahaha
porpoloreynj: naalala ko lang to: the man thats in the crowd
usually get lost in it
gienahl : di nga tsong, salamat dito... malaking bagay to para
saken... para akong nasa kumunoy, tapos inabutan mo ko ng
makakapitang kahoy... di ko pa nga lang alam kung makakaahon
talaga ako pero at least may ngtangkang alisin ako sa kumunoy
na to
porpoloreynj: ang tanong..naligtas k ba?
gienahl : sino may sabe niyan, MISH MARAVILLA?
instant ayos princess? channel 2...
porpoloreynj: baka kumapit ka lang...
porpoloreynj: nasa sken ang pagkapit mo..nasa iyo ang pag-ahon
gienahl : di pa naten alam... sana... wag mo kong bitawan tsong...
porpoloreynj: tangkes..purpose driven life yun ungas!
porpoloreynj: sige.
gienahl : babalaan nga lang kita, mejo mabigat ako...
porpoloreynj: alam ko na yun..kaya nga matibay na uri ng
kahoy ang gamit ko
porpoloreynj: whehehe
porpoloreynj:
gienahl : 145 lbs na kasi ako... dati 105 lang..
gienahl : gawa ng 2 years na kakalamon
porpoloreynj: hehe..


August 11th, 2005

oompa loompa!
POSTED AT 11:11 AM



hindi na masama ang paghihintay ko ng 2 hours (halos) sa mga kasama kong manuod ng pelikulang e2. hehe=P
dpat nga kse nung tuesday pa ako manunuod ako lang mag1, e nung malaman ni erwin, manunuod din daw sya at nalaman na din charles kaya manunuod na din daw sya..e nalaman pa ren iba, hanggang sa dumame kme ng dumame..
pro kame lang ang final na nakapanuod: ako, erwin, nissreen, rona, eeyan, charles, doray at jetrud. 2 beses pa nga nmin pinanuod.

ag kulet ng mga oompa loompas na may "intermission" sa pagitan. binilang nga ni jet kung naka ilang roles si deep roy sa movie, 28 roles daw...hehe

TRIVIA: deep roy plays the oompa loompas..oo iisang tao lang po yun! sya rin yung nasa bigfish

at next week maglalakwatsa nanaman kme para lang manuod ng sine..corpse's bride nmn! pero ang masarap nmn dun, LIBRE yun ni eeyan at nde lang basta sa sm manila, sa gateway nya ko ililibre..hehehe. excited na ko!


August 13th, 2005

ang babaeng nag-khaki khit maulan
POSTED AT 01:19 PM

sino ba namang taong magmamagandang magka-khaki khit alam nya nang knina pa umuulan bago pa man sya pmasok???

ehem.

ako lang ata!

at nag-ala crouching hidden dargon ako kahapon ng umaga sa pag-iwas sa mga humaharurot na jeep para nde ako matalamsikan ng tubig.

akala ko nga masusupend na ang klase anytime kahapon kaya lang..nde e.
tpos 6 hrs pa kme sa loob ng malamig na mass com lab. taenang yan!
para kmeng kinulong sa freezer. tagos tagos sa jacket mo ang lameeeg! sobra.

######

may problema. well ewan ko kung problema nga, pero nakaka-inis lang kse. kase gnito yon. nalaman ko kay charles na ang dokyu daw ng sec A ay tungkol din sa faith achu-chu-chu...sa quiapo din daw achu-chu-chu...ang kaibahan nga lang daw ay nde lang catholicism ang concentration nila kundi ibat ibang religion. sbe nmn ni DIREK ed, ok lang daw un, khit medyo alam ng grupo na ninakaw nila ng pahapyaw ang concept namin...magkaka-alam nmn daw sa substance at approach ng kanya-kanyang dokyu yun. sabagay...

#####

alas7 ng umaga. ayaw ko pang bumangon. ninanamnam ko pa ang lamig ng unan at kumot ko. sarrrap! kaya habang nakahilata, nanuod ako ng Never been kissed na pinahiram sken ni eeyan. napanuod ko na to date, pero nakalimutan ko na..hehe. ang tagos na line dun e yung nalate yung lalake sa field at sinabe kay Josie (drew barrymore) na "Im sorry Im late. It takes forever for me to get here."
kung iintindihin mo ang linyang yan figuratively...siyyyett! tagos kase sken yung linyang yun ng lalake. hayy!share ko lang..

#####

habang naglalakad ka. tinawag ka NIYA.
tumigil ka sa pag lalakad dhil tinawag ka NIYA.
"teka," sbe NIYA sa iyo. naghintay ka.
may ginagawa SIYAng iba at kailangan gampanan.
pero nde ka na NIYA binalikan para sa kung anu
mang kailangan NIYA sa iyo.
nainip ka kaya bumalik ka sa paglalakad.
wala lang sa iyo yun..pero lagi ka NIYAng tinatawag habang
ikaw ay naglalakad. sasabihing "teka" at nde ka na ulit babalikan.
naiinis ka na.
naiinis!

*matalinhagang sanaysay na nde mo sana mahulaan.


August 15th, 2005

BOP IT!!!
POSTED AT 09:50 AM

ang last kong bili ata ng cassette tape.. e nung hanson days ko pa..at ang huli kong pagsasayaw e nung 3rd year high school pa sa tunong ng mga kanta ni britney spears. (nde ko ito ikinakahiya!! impak, i looove to show you my pin-ups, centerfold, life size posters ng mga boy band girl band nung panahon na yun at ang mga tape collections ko, wla pa kse akong pambili ng cd nun tska wla pa kse kmeng cd player nun)

bumili kase kme kahapon ng kapatid kong 8 years old ng tape ng sasayawin nya sa contest. sya kse ang representative ng klase nila sa dance contest chorva! pagdating sa bahay nagpratice na sya..kme pla. syempre tinuruan ko rin ng onte. hehe... nde nmn ako masyadong familiar sa mga bagong sayaw ngaun (di tulad nang panahon ko: macarena, oh carol!, lick it, big big man, x-tasy, pizzicato five, ragga muffin girl, barbie girl, mmmbop, its gonna be me, oops i did i again..taena yan..natatandaan ko pa!) e natulungan ko syang gumawa ng ibang step..

pagod nga ako e, nde n kse ako sanay ng gnun. tagal n kseng napahinga ang aking dancing skills. ampness!

cge 10 am na e, punta pa kme quiapo (agen)...

at oo nga pla..........

cge tska nlang. ;p


August 16th, 2005

TEKA
POSTED AT 06:38 AM

Image hosted by Photobucket.com
alone i sit. but this mustve been great!

gienahl: kung ang bagay seryoso, umpisa palang
seryoso na... there's no such thing as... "sandali
lang ha... gagaguhin muna kita ngayon, bukas
nalang kita seseryosohin pwede?"


tagos yang mga linyang yan ng vespren kong bilog (ikalimang_dukesa d2 sa tabulas). tama sya.

sobrang tama.




August 17th, 2005

ansarap ma2log
POSTED AT 08:51 AM

katatapos ko lang kumain. at nagpapatuyo pa ko ng buhok. mamya pang 2pm ang klase ko. at mamya pa ko 12pm aalis. kaya nag-online muna ako.

nagising ako ng 5:30 am (lage nmn) at feeling ko bitin paren 2log ko khit darna plang pumipikit pikit na ko. ansarrrap ng tulog ko. sobrah!

iniisip ko SIYA. iniisip ko kung bket SIYA gnun? pero lalu ko lang napatunayan sa sarili kong nde SIYA ang SIYAng akala kong SIYA.
kaya dhil dyan isang malufet na re-post ng aking tula ang alay ko sa sarili ko.

KABIG
9.8.04

isipin mo
matagal din tayong ganito
masaya
nga ba?

hindi naman pala

nadala din ako
pero ayos na din
keysa naman maging bato
ang pusong nalilito

anong mali sa tamang aminin?
anong mahina sa malakas na damdamin?
anong pangit sa magandang salamin?
ano bang kailangang sundin?

nararamdaman ko na
ang paglubog ng kabanata
ang katapusan at ang 'tama'
walang taong may sala

pag-ibig ang kanyang ngalan
unti-unti nya tayong nilinlang




August 18th, 2005

bidang orange and lemons
POSTED AT 08:56 AM

sobrang bida ng Orange and Lemons sken ng mga tao sa paligid, kung kaya nde na ko nakapaghintay na pahiramin ako ni Erwin ng cd nya. bumili nlang tuloy ako sa may coop.

brit pop!
asteeg!


August 21st, 2005

BITTERSWEET
POSTED AT 05:03 PM

tulad ng hangin at hamog. kita mo pero nde ka sigurado. kung mkta mo nmn, nde mo ito mahawakan. kung nagkamali man ako sa aking pagaakala yun ay dahil kahit papano, nagmahal ako. masarap kang mahalin tulad ng pagkain ng peach mango pie habang mainit.
lalakad na ko ulet at sa oras na tawagin mo ako habang akoy naglalakad, pasensya na pero nde na ko muling lilingon. maririnig paren kita pero masasanay din akong marinig lang kta hanggang sa tagal non ay tila wala nrin akong naririnig.
masakit. masaya. masarap. nakakagago. pero parang ayokong maging gnito NA LANG. habang buhay.


August 23rd, 2005

dobolstaf oryo
POSTED AT 09:26 AM

~~7:31pm kagabe
pagkatapos kong makipagsapalaran sa pagsingit at panunulak sa mga tao para makasakay sa bullet train ng manila na LRT sa central terminal. at sumakit ang sakong sa pagtigil nmin ng isang oras sa may blumentritt at bambang station. sabik na sabik ang pwet kong umupo at pumikit ng mga mata kong antok na antok na. nagtataka nga ko kung baket ang aga kong antukin.

pagbabako ng FX..(nagFX na ko ulet kse sosyal na ulet ako..bwahehe) sobrang antok ko na parang gusto kong gumapang nalang papunta ng bahay nmin. (medyo malayo pa kse sa street nmin ang compound na pinagkakakutaan ng bahay namin na nasa dulo rin ng compound..seryoso!)

nde n nga ako naghapunan e tutal nagkanin at sundae nmn ako na merienda. nagmadali akong nagsipilyo, hilamos at palit ng damit at natulog sa mahal kong unan. natatandaan ko darna plang nun.

sobrang pagod sobrang saya nakakalimutan ko na SIYA!

=P



August 26th, 2005

ako ay isang zombie
POSTED AT 12:56 PM

kahapon, maaga akong umalis ng bahay para kitain si
direk jhette sa mcdo at magpunta ng manila cityhall,
magpapakasal n kse ako..joke! 11pm n
ko nakarating ng bahay.
baket?
kse sumama ako sa pakain nila jhayson, boni
at richelle. triple celebration kse ang nangyare at anlakas
din ng apog ko dhil may sasakyan naman kme papunta ng
greenbelt kung saan mkumain kme sa crocodile grill.
pero nde....bloated ako kaya nde ako nakakain ng maayos.
sayang tlga! tpos takot na ko kse so0per late na ako nakauwi.
akala ko nga pagagalitan na ko ng sobra. iniisip ko baka nde
na ko matuloy sa mga naka-line up kong activities ngaung
dadaang mga araw dhil sa ginawa kong ito.
pagdating na pagdating ko ng bahay, sumulat ako kay mama
para mabasa nya kinaumagahan, dun ako nagexplain kung
bkit ako ginabi ng uwi and everything sa closing remarks,
"love, len-len (20 years old na!) hehehe..pa kwela epek lang.

knina nmn as usual gimik sa quiapo ng dokyu group.
sobrang brainstorming ang nangyare samin. sabay sa
pagbalik ng appetite ko ang pagkagalak ng aking puso dahil
masaya palang maging malaya at lumipad habang singhot
ang hangin sa jeep khit amoy putok ang drayber.


August 30th, 2005

week review
POSTED AT 09:31 AM

week review.......

mon= chorvang araw, nkalimutan ko n kung pumasok ba ako o may gnawa kmeng kung ano..

tue= wla lang media ethics..wlang kachorva chorva!

wed= pumunta kme ni direk sa manila city hall ng morning tpos sumama kela jhayson sa greenbelt, ginabe ng uwe.

thurs= punta kme ng quiapo at nagbrainstroming ng malupet

fri=overnight dapat kala direk jhette, kaya lang ewan ko b kung bket nde ntuloy..nainterview si aling tess tpos by 10pm naguwian na

sat= pahinga syet!

sun= nag-meeting sa may mcdo la consolacion with groupmates tpos nagsimba (nakita SIYA at nag sm manila..adeeek ka win!

mon ulet= 7am sa may mcdo ulet, nagkita kita kmeng 4:jhette, erwin, charles tpos nadun na din si ria, pumunta kme ng UST at naginterview kay sister linds. tpos pumunta ng quiapo, nagsubmit ng letter para mamyang hapon na shooting nila michelle at fiaza, tpos bumalik ulet kme ng mendiola par kitain ang mama ni jhette at ang sasakyan nila. dumiretso ng bahay nila sa santol tpos balik ulet ng quiapo para sa shooting with the groupmates at ng mga artisita. nagbunga pa kme ng kaguluhan sa quiapo, dhil agaw eksena ang pagsigaw ni charles ng "action!!!" hawak ang improvised clap board na may sulat ng ibat ibang kulay na chalk at ng kanyang makatotohanang facial expression habang isinisigaw with his heart out ang "action!!!!!!!!!"......nagshoot kme sa may underpass, sa may pwesto ng mga manghuhula, sa pwesto ni kuya gams sa mga kristal, sa may loob ng simbahan, sa labas at tapat ng simbahan....pagkatapos nang halos 4 na oras ng shooting ay dumeretso kame sa bahay ulet ni jhette sa santol at umidlip ng onte...6 sbay sbay n kmeng 3 na umuweng tulala at bagong gising.


ito ang pinka hyper kong week sa talambuhay ng aking college layp.
parang gusto ko nang bitawan ang thesis ko.
parang ayaw ko n nga tong matapos e.
ibig kong sbihin pagkatapos ng dokyu na to, mamimiss ko ang pagpunta nmin sa quiapo.

pero nde pa nmn tpos e, tska ko n to poproblemahin!

cge, blik normal skul layp mode na ulet ngaung tuesday.


depression tendencies
POSTED AT 11:15 PM

alam ko nang darating ang point na ito...na khit anong LAKAS ko at pagkukunyaring nde ako nakakramdam ng sakit sa mga nangyayare ay kailangan ko pren ng lakas upang masabe kong mahina rin ako. (*bob ong quote)

inaamin ko, nagpadala at minahal kita. pero dte na yun.
at dumating na nga ang moment n yun ngaun..

tama ka eeyan. pero ayokong makulong sa kalungkutan tulad ng date dhil masamang bisyo ang kalungkutan.

baket ako magmumukmok?
baket ako maiinsecure?
baket ako magpapaka negatibo?
baket ako malulungkot?

salamat sayo eeyan.. im back again!


Image hosted by Photobucket.comgretchen barreto, walang papalag!


====PAUNAWA!!!====
POSTED AT 11:50 PM

Image hosted by Photobucket.com

Mga naliligaw na blog hoppers,

Ngayon ang maswerte mong araw. Baket? Dahil suot mo ang paborito mong salawal (, lucky color mo ay magenta at swak ang posisyon ng iyong mga bituin) at tadhana ang nagpunta sayo dito sa walaaaang kachorva-chorvang site ko.

Ang susunod na ilang minuto ng buhay mo dito sa site ko ay isang walaaaang kachorva-chorvang pakikipagsapalaran ko sa buhay ng araw na yon o kung anu mang gunita o ginunita ko habang nakatunganga sa pagko-commute ko pauwi. (kadalasan habang nasa FX).

Kung pag katapos nito ay wala kang gagawin, pwede mo akong i-add sa friendster mo. porpoloreynj@yahoo.com wala, wala akong myspace dahil badtrip ang html ko date. at kung nde ka rin abala pwede mo rin akong tawagan sa bahay kung nde nmn ay itext..kung alam mo number ko. kadalasan akong online kse adik ako dito tulad nang pagka-adik mo sa yosi. PM mo lang ako sa YM.

Maraming Salamat! Tuloy ka..wala ka namang hiya.

Nagwawalang bahala,
Nylammeg



Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: