go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

March 12th, 2005

kapatid kong mahal.
POSTED AT 02:43 PM

mar12..sabado

bday ng utol kong umalis ngayon dhil nagblow-out ng mga kaklase.

since it's his bday. i'll dedicate this day's entry entirely for him as my sign of unconditional love for him and everything..


Ito si Glenn Bert. Ang sumunod saken pagkatapos ng 4 na taon, pangalawa at nag-iisang lalake sa aming tatlo. Ngayon ang kanayang ika-15 taon sa mundo. Hindi kame magkasundo nyan noong mga bata pa kame. marahil gusto ko lang talaga ng babaeng kapatid noon, para gawing barbie. Natatandaan ko pa noong ginupitan ko siya ng buhok, wla pa siyang isang taong gulang noon. Wla kase akong magawa at dehins din ako makatulog. pero helor? 4-5 years old plang naman ako noon. hindi ko naman yun gagawin ngayon. Nag-aral sya sa katabing skul namen na exclusive lang din for boys. inisip ko noon na sana pinag-isa nalang ang skul namin at skul nila para masaya. noong nasa grade 6 ako at nasa grade 1 naman sya, natatandaan ko pa..parehas kameng abala sa mga assignment noon. tinanong nya ako, "ate, anong rehiyon ba yung bicol?" sagot ko, "tingnan mo sa libro mo, nasa harap mo na nga e!" badtrip ako nun kase may assignment sa math na nd ek omakuha. "wag mo nga akong istorbohin." dinagdag ko pang dialogue. e sadyang inborn na samin ang mag-asaran at magkapikunan at iiyak pagkatapos, kung kaya kinulit nya pa ako. "e ate, ano ba yung rehiyon ng bicol?" "nde ko nga sbe alam, ayan libro mo tingana mo!" kahit alam kong region 5 ang bicol yung paren snbe ko kse naiirita ako e. "isa pang,tanong mo.." banta ko. e makulit talaga ang loko at dhil alam nyang naasar nako, kaya lalu nya pa akong inasar, nagtanong pa sya. at nde n ko nakapagpigil sa panggigigil at kinuha ko ang springmaid na suklay na abot kamay ko lang sa sahig at pinalo ko sa ulo nya. "ate.." sabi nya. hindi ako kumibo dahil galit pa ko nun. "ate may dugo." sbe nya ulet. "tigilan mo ko, " sinabe habang nagso-solve. nung tumingin ako, may mhabang pulang linya na sa leeg nya. dugo ang tawag don. nataranta ako. at dehins lam ang gagawin, "ikaw kase e, ang kulitkulit mo" sabe ko habang tiningnan ko ang ulo nya. kumuha ako ng yelo at pinahid sa ulo nya. takot na takot ako non, kase ang tagal tumigil ng dugo at ilang oras nalang uuwi na si mama sa bahay. moral lesson: wag pukpukin ng spring maid ang kapatid sa ulo sa halip gumamit nlang ng nirolyong papel, mas safe.



ngunit lahat ng tao ay nagbabago. sa aming paglaki at pagtanda, malimit nalang kameng mag-away. halos nde na nga. dhil natuklasan kong marmi rin pla kameng pinagkakasunduan, tulad ng pc, mga pelikula, mga palabas sa tv, music..ang totoo marami pa nga. pero cguro ngayong binata na nga ang kapatid ko, medyo higher level na ang kanyang pagiging pasaway. well part naman un pagigin teenager. khit ako din date. pero sana malaman nya rin na khit madalas syang pagalitan ngayon dahil sa mga maling ginagawa nya, sana malaman nyang mahal namin sya khit may mali syang nagawa dhil alam nming marami pa syang kayang gawin keysa sa inaakala nya..

HAPPY BIRTHDAY!






1 ang kumembot


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on March 13th, 2005 at 07:16 AM
hapi bertday utol. :D
Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: