Entries for March, 2005
March 2nd, 2005
diyos + batas = guro POSTED AT 10:47 AM isipin mo 2-5pm sng klse nmin sa kanya na kung minsan ay nagiging 2-6:30 pm dhil sa karagdagang homily ng "misa". pero dhil sa meeting nya at siya ang diyos at batas ng skul (kilala mo na ba?) e kaya nyang magklase ng 5-8pm ng gabe with complete attendance. san ka pa? sana ma masasakyan pa ko. TRIVIA: ang akala ko date ang diyos at batas ang pinaka-masahol na guro sa buong college life ko, ngunit ako'y nagkamali, dhil may mas sasahool pa sa kanya..(?) ...abangan sa susunod na entry. kembot?
|
|
March 12th, 2005
kapatid kong mahal. POSTED AT 02:43 PM bday ng utol kong umalis ngayon dhil nagblow-out ng mga kaklase. since it's his bday. i'll dedicate this day's entry entirely for him as my sign of unconditional love for him and everything.. ![]() ngunit lahat ng tao ay nagbabago. sa aming paglaki at pagtanda, malimit nalang kameng mag-away. halos nde na nga. dhil natuklasan kong marmi rin pla kameng pinagkakasunduan, tulad ng pc, mga pelikula, mga palabas sa tv, music..ang totoo marami pa nga. pero cguro ngayong binata na nga ang kapatid ko, medyo higher level na ang kanyang pagiging pasaway. well part naman un pagigin teenager. khit ako din date. pero sana malaman nya rin na khit madalas syang pagalitan ngayon dahil sa mga maling ginagawa nya, sana malaman nyang mahal namin sya khit may mali syang nagawa dhil alam nming marami pa syang kayang gawin keysa sa inaakala nya.. HAPPY BIRTHDAY! ![]() |
|
March 20th, 2005
bikeysyon taym POSTED AT 07:14 PM dte ko pa sna gustong i-update entry ko d2 sa tabulas ko, kaya lang i couldn't find the right words to express exactly the way i feel or even close to it. wativer! last monday dumating na si papa. hmmm..share ko lang! dehins ko pa masyado iniisip kung anong gagawin ko ngaun BIKEYSYON...nakakapanibago lang kase, (as usual) biglaan nanaman kaseng wla akong ginagawa. for the 3 weeks ngarag kase ako (ewan ko sa mga grupmates ko) nag-radio drama kame, talakan, 2 beses nag-live reporting..buti nga nde na ko nag-transcribe e, kse nag-mime ako nung recognition kaya may grade na ako sa tri-media scriptwriting..dramatic guild adviser kse ang prof nmin dun.kya medyo nainvolve nrin ako sa mga production at naging active na dg member. but inspite of having a hectic sked last sem e feeling ko nde fulfilling ang mga bagay para sken, para kseng nde pa un ang best kong magagawa... o enlab lang ako? |
|
March 30th, 2005
holy week+SIYA+unlimited txt+full house POSTED AT 01:06 PM syet! na miss ko to ah...since nung last entry ko kse nde na ko nakapag-pc kase wla na internet card kaya parang penitensya saken un pero nde rin kse constant ka-text at ka-telebabad ko si---SIYA...kaya ngaun lang me nakapag-internet kse may internet card n ulet ako..malamang! ![]() si luigi, si lorraine, si jessie at si justin adik na ata ako sa full house (koreanovela after extra challenge) e kase sobrang nakakatuwang panuorin si jessie at si justing magkulitan..cge....sabihin mo na ang gusto mong sbhin...ngaun kse alam ko na ang pakiramdam ng mga taong nagmamadaling sa mga gawain nila para mapanuod ang meteor garden noon. (dehins naman ako na-hook ng ef-for) sobrang tama ang timpla at magaan lang ang koreanovalang to nde tulad ng stairway to heaven (pagkatapos ng full house), ito ung mga tipo ng teleserye na pagsinubaybayan mo e magkakasakit ka sa puso dhil sa kunsumisyon at pamomroblema sa buhay pagibig nila jodi at cholo..pano aalis si jodi pupunta kay tristan sosoli ni tristan kay cholo tpos balik kay tristan, magpaparaya kuno si jodi, babalik kay cholo, kay tristan tpos kay cholo ulet...ganyan ang sistema ng programang un hanggang sa mabulag nalang si jodi. astig db? pagnatapos ang stairway to heaven may tumor ka na sa puso. P.S. enlab na po ata ako. |
|






My StumbleUpon Page