go home sino c nylammeg mga larawan kabit paborito laman kaibigan fans baul

Entries for November, 2004

November 5th, 2004

aym bak!!
POSTED AT 11:08 AM

at last..

since oct25 nde me nakapagonline..hayy!
so0per miss ko na to!!

oo nga pla..1st day of classes nmin ngaung 2nd sem..
kasalukuyan kong katabi sila lovely, vannie at gretchen dito sa CHELPNET ang opisyal tambayan ng mga may vacant!

parang andame kong gus2ng sabihin sa sobrang excitement kaya lang parang ang bagal ng pagiaip ng mga salita para maitype ko!\\

oo nga pla..kinasal na tita ko nung 0ct28..ang motiff tangerine...at ako? abay.. ang pic? saka na..hehe

pagkatapos nun..hmmmm....*isip....

ayun!

naglaba pala ako..
tapos naglinis ng bahay..
naghugas ng pinggan..
mag-bantay sa kapatid..
nagluto (ching!)..

repeat all til you fade

ako nga pla ang opisyal muchacha nitong nagdaang sembreak!

yun..

putek! mis ko na talaga to!

*mwah
excited nde ko lam Y


November 8th, 2004

malameeg!
POSTED AT 08:35 AM

ang lameeeeeg!

sobrah!

kung nde lang alang alang sa internet d2 na kasma rin sa tuition e..
tska matagal nring under construction ang pc ko..
nde p tpos ayusin ni kuya michael..
e nde p ngarin ubos internet card ko kaya ewan ko baka ibenta ko Na lang un..

oo nga pla..
kasalukuyan akong nasa comp lab nmin..at
baka palipatin pa ko ng desk..

putek ang lameg tlaga!..

cge til next log in.



November 10th, 2004

IKAW ANG AKING ANINO NGUNIT AKO'Y ALIPIN MO
POSTED AT 08:25 AM

lunurin mo ako kalungkutan
hayaan mong magsanib sa kailaliman
sahil iakw ay aking anino
at akoy alipin mo

ayoko pang lingunin ang pag-asa
kung di lubos ang waring ligaya
harapin ang buaks na hindi ka nakasama
ay sadyang napaka saya!

halakhakan man ay nariyan
ngunit hanggang kailan (?)
lunurin mo na akong tuluyan
kung ito ang tunay mong kaligahan

ang lungkot ay sandali maramdaman
pag nagtagal itoy animoy kaibigan
pag nagpadalas ikaw ay tulad
na ng alipin ng aninong kaibigan


November 12th, 2004

3 bagay na kinahihinayangan ko ngayon!
POSTED AT 09:39 AM

1.) sayang lang ata ang pamasahe ko ngaung araw na to ah..
2.)aga-aga tas 2 subj lang tpos...ung subject pa n un e mga tinamaan ng kung ano ang titser..

eco--ser rongcales..well meron n kase me experience sa knyang kind and way of teaching nung histor2..hello!? gusto ko pong matuto?! ayos nmn syang magbigay ng grade..1.5..1.75..pero numero lang un, wala nmang substance ung mga numerong un sa utak mo! tska sayang tuition ah!

computer3--mam lajo..ayun! naglaho nga syang tuluyan..sanay n kmeng late sya lageng dumarateng pero nina, e umabsent na sya! nde nmn tlga ako nagagalit dhil nagabsent sya o kung pano sya magturo..kase free internet sa lab e, sayang din yun..putek!

dame ko atang pinanghihinayangan ngaun ah..

3.) {WARNING: SEMI-LAB LAYP THINGY}naiisip ko ung sinabe ko kagabe..(sa kanya) baka kase unfair ako, kase nde lang nman sya ang gnun e, ako din..nde mo ko gets? kase gn2 un..lam mo yung kanatang burnout ng sugarfree? e yung telepono? parang gnun ung nangyayare saken (samen) ngaun.. nde kame..nde rin naging kame.. nde rin kame gnun close o "akala" ko lang close kame? magulo b? basta un. e ayun nga..back dun sa kanta ng sugarfree gnun ung nangyayare..alam mo yung parang akala mo close na kayo..todo call..todo text..sabay ngayong lage n kameng nagkikita e deadma? nde nmn cguro tlga to LABLAYP..siguro---pano b?---parang ganun lng un? natatandaan mo ba kagabe apat na oras tayong nagbababad sa telepono inabutan na tayo ng umaga nun pero baket gnun nanlamig kanang biglat MAGDAMAG nasa tabi mo WALA man lang HELLO HELLO HELLO??

hayy..
nanghihinayang nga!


November 16th, 2004

PELIKULANG LOKAL at PINSAN LOVER
POSTED AT 06:56 PM

sa wakas..
gawa ka na rin mahal kong pc!
nde ko n ata kakayanin ang isa pang araw na wala ka..
sobrang miss n kita..

kasalukuyan wala pa si mama..nagugutom na kame ni men-men..nakasaing na ako, ulam nlang..

*kulo ng tiyam

ang ganda ng palabas knina sa LBO sa 23..yes i dig anything vintage! and i think mas may substance pa ang mga local films noon keysa ngayon..kung meron mang magagandang palabas ngayon e pasalamat nalng ang mga regular movie goers tulad ko.

tagulan sa tagaraw yung palabas knina..si young vilma santos at young cristpher de leon ang bida..kwento ng isang bawal na pag-iibigan ng 2 mag-insan..jologs ba? nde...kase naipakita ni celso ad castillo (direktor) ang mga saloobin ng mga karakter at ang moral ng ka-chuvahan artistically..kaya asteeg!

yung sa last scene..ang nangyare kase nabuntis ni kuya rod (ngalan ni young chrisotpher de leon) si neneth (ngalan ni young vilma "chinita" santos)gawa ng knilang unconditional love.. e nalaman ng ama ni neneth..e d syempre nagalit yung tatay..bale yung dramatik scene e sakay sila neneth ng kotse habang si kuya rod tumakas sa ospital kase parang nasesense nya nang paglalayuin sila..takbo ng takbo si kuya rod sa kotseng sakay ni neneth, nasa sasakyan din ang kuya nya at nanay, drayber si ama...dun natapos..bitin nga e.

i guess gus2ng ipakita na immoral ang gawain at nde kailan man ito matatanggap ng persepsyon ng mga tao.

pero pano nga kung ganon noh? naenlab ka sa insan mo..

kung sa aken siguro nangyare yun..pipigilan ko. nde pa naman nangyayare sken yan noh pero sa tinggin ko kung mangyare man yun, yun ung gagawin ko..

nung grade skul may mga kaklase akong may crush sa mga pinsan nya..

ako kase ang crush ko nung grade skul e yung ka-service ko sa kabilang iskul..na sa kasamaang palad nalaman kong ang long time crush ko e bakla pala..

kaya pla nung era ng power rangers..sailor moon sya....at nung era ng back street boys, hanson..e spice girls sya...

*sayang wapo pa nman..
awake


November 17th, 2004

si mam lajo nde late: HIMALA!
POSTED AT 08:58 AM

ampowtah...
laking tuwa ko ng maagang dumateng si mam lajo (la-ho) dhil magagamet ko ang P1000+ na bayad d2 sa comp lab..
pero akala ko lang yun..

ang boring kse, may white board naman...

ayy!!

oo nga pla..fanget sulat nya..pis!

kaya heto diktation chuvaness kame...
pare mas nakakalito kaya..

"shut down your mouth.." o diba computer titser syang tunay.

aside from that after nito meron kmeng
5 as in LIMAng oras na break...

ayup san naman ako maglalage nun?
umuulan pa..
oo nga pla may reserts pla ako..pero after nun? ano na?

"a particular selected course of action, that is your decision.."
putek na diktasyong to!
hungry


November 18th, 2004

masakit. AMP!!!
POSTED AT 03:32 PM

iniisip ko sya.

nanghihinayang. iniisip kung anong mali. iniisip kung pano naging magulo ang lahat. iniisip kung anong tama. iniisip kung baket ganito na. iniisip kung......

jump to conclusions?

siguro nga.


dont come closer if l8r ul jst pas by..dont smyl if l8r ul jst make me cry..dont touch me if l8r ul jst walk away..dont love me if l8r ul jst love and wont stay..

~quote galing kay lovely.


masakit.

lalu na kagbe.
habang sakay ka ng fx na puros labsong ang tugtog.

AMP!!!

kurot.

napapaluha na ko nun.
nde n ko nagisip, hinayaan ko na sila.
sabay pahid.

nde ko na pipigilan ang nangyayare.

its harder to let go things you know you never even owned.

=+=+=kase ang tagal MONG dumating e=+=+=


November 20th, 2004

the incredibles and barbie's cradle
POSTED AT 05:03 PM

alas 9 na ko nakauwe kagbe at knock out agad ako sa kama..as usual pagod na pagod ako.

nagsimula kmeng magpraktis khapon, nde ko na namalayang alas7 n plang kame pinalabas.. gutom na gutom na nga ako e.. kase ang kinain ko lang nung nanuod kme ng sine e #6 ng mcdo: burger mcdo, fries at sopdringks..

nanuod kme nila vespren gienah at lovely. nanuod kme ng the inceredibles hahaha! para akong bata! and how i wish bumalik ako sa pagiging bata pra wlang "problema"!!!

namit ko si kulyan (tama ba?) isa ring ceu pulpers, binebentahan ako ng tiket ng barbie's cradle..concert kse nila ngaun 6:30 at sa dating P150 e mabibili ko na daw itong....P50! ayos db?

pero nde ko binili.

medyo asar.

nde ko nmn masyadong gs2 barbie's cradle pero minsan lang kase ang pagkakataon.

e2 nga naririnig ko na ang sound check..sound check!

tamang tama pa kase after ng praktis ngaun, diretsong concert na sa north quad..pero narito ako ngaun at nagtatayp pra sa entry ko ngaun.

tama!

tpos na ang praktis ng MIME chuvaness..at uuwi na ko, maya-maya..


kasalukuyang nararamdaman?



November 21st, 2004

may BARBIE na LIBRE pa!
POSTED AT 03:34 PM

haha..

buti nalang nde ko binili yung tiket ng barbies cradle kay
kulyan!!!

nakapanoud kase ako ng LIBRE!!!

whahaha! galeng nga e! ang totoo pauwi n kme ni rohbertson kagabe, dpat magpapagupet siya.

"tara, subukan nateng pumasok sa loob."
sbe ni rohbertson.

"..ikaw"
kunya-kunyariang ayaw pa.

pero ang totoo gusto ko ring magbakasakali.

dire-diretso lang kame..tikas ko pa nag-swayp pa ko ng ID..habang si rohbertson ay ginagamit ang kanyang dramatoc guild talent..ang umarteng walang pakialam kay mamang gard!

at huwala!

nakapasok kme!

mga 6:15 n ata nun, nde prin naguumpisa ang concert at umuulan, tulad nung nagconcert ang 6cyclemind nung july sa skul.

andun kame sa taas ng phl pumwesto, para iwas sita..
ayos nga at may upuan kame...

nagsasound check prin ang banda..at namataan kong ung barbies cradle n pla ung nagsasound check..

ndun symepre si barbie..whaahah! steeg nga kse naka loose tshirt na grey parang nakapambahay lang..bumaba sila ng stage maya-maya..siguro para magready na.

syempre.

hinabol.

nagpapiktur.

haha!

gnun din ako.

"barbie, excuse me.."
habang lumalakad sya mag-isa nasa north gate na sya nun. nde ko pa alam kung barbie o miss ang tatawagin ko. e since alam nman ng lahat ang pangalan nya..barbie ang sinabe ko.

"pwedeng papiktyur?"
*ang jologs amp!

"sure"
sbe ni barbie.

sabay ngiti nming dalwa. ngumiti sya dhil pipikturan ko sya. ngumiti ako dhil sa nerbyos.
nde ko nga napindot yung celfon ni gretch ewan, nanigas ang hinlalaki ko..

whaha! halatang na-star struck daw!

kaya inulit ko.

"wait lang po."

asus..may po pa. napansin kong mas matangkad pa ko sa kanya. prang ang laki nya kse sa stage.
inulit ko ang pagpiktyur.

"ah..ok."

nde nmn sya msyado nagmamadali..ngiti ulit sya at medyo kumamot ng ulo.

at sa wakas sumunod si hinlalaki sa gusto ng kanyang amo.

"thank you po."
sabay ngiti nya ulitat lumakad palabas ng gate.
at kme ni lovely bumalik ng 2nd floor.

whahaha!

ang sarap ng LIBRE!!!

nde rin nmin natapos ang concert hanggang everyday lang kme..pero pang 8th o 9th song na nila yun.

gbe na kse.

la nang LRT..

kaya nag-jip nalang ako sa d.jose..

at 10:30 n ko nakauwi!

ayos!

barbie..up and so0per close!!
[img:464674]


November 22nd, 2004

umatake ang insomya ko..
POSTED AT 08:58 AM

nde ako nakatulog kgbe...puteK!

kung sino ka mang nagiisip sken, ayup! magpatulog ka na!
*feeling amp!

mga 2:30 na ata ako nakatulog, tapos 4:30 gising na ulit kse papasok na..

e2 nanaman kme ni mam lajo...
"these are the highlights..."

diktasyon chuvaness..tlaga nmn..

hay! simula nung nakalibre ako ng concert, balik NYLAMMEG mode nanaman ako...

40+ days nalang pasko na. feel na feel ko na ang lameg tuwing gabe. pero sana makatulog din ako diba?

40+ days nalang bigayan nanaman ng regalo.

waw!

ako nde nmn ako mapili..
*parinig

ok na sken yung 4th book ni Bob Ong
Alamat ng Gubat
sa december p nga yun mabibili e..

o kaya..
*aba..may iba pang option amp!

cd ng kitchie nadal

hehehe..parinig lang

sana mabasa to ni nanay!
*o kahit nino..

:D


November 23rd, 2004

uhaw sa totoo
POSTED AT 02:52 PM

wla akong pasok.

psss..

pro hahatid-sundo ko si men-men
babanlawan ko ang labada
gagawa ng assignment (a.k.a prang research project na din!)
sa film theory
tatapusin ang report sa radio speech

waw!
ang saya.

awa nman ng lord, ang aga at ang himbing ng tulog ko kagbe.
yun ang TULOG

masarap
maaga
kumpleto

may sobra pa.

khapon na-meet na namin yung Film theory teacher namin.
ang kinatatakutan ng lahat.
si ser cuevas.

marami kaseng napapabalitan terror DAW si ser cuevas. na namamahiya DAW si ser cuevas. na strikto DAW si ser cuevas.

may pagka.

may 1hour break bago ang subj nya, pero ang agang nagsipasukan sa room ng mga kaklase ko. nagreready sa kung anong itatanong ni ser.

wala pa ngang lektyur, may resitasyon na? haler.

meron pa kong narinig, nagdadasal pa.

sobra naman.

marami kaseng natatakot kay ser, dhil sa mga balitang ito.

"hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa sarili.

siguro.

uhaw lang siguro ako sa totoong pagtuturo ng isang totoong guro.

meron pa nga dte na nagbabalak i-drop ang subject nya o pumunta sa ibang seksyon para lang nde mahandle ni ser. (pero kaklase ko paren sya)

ung unang meeting na yun, andame ko na agad nalaman..
tulad ng:

1. hindi nmn pla sya gnun kasama.
2. magaling syang titser..i mean it!
3. ang difference ng supper sa dinner
4. nde ka pwedeng ma-late sa kanya kundi dun ka uupo sa tabi ng trash can
5. kailangang magtaas ng kamay para makilala at magka-grade
6. madali syang i-please, di tulad ni mam manalo sa theater arts.
7. kailangang magpa-impress
8. kaya kailangang mag-aral
9. isa siyang kewl na titser!
10. mukhang magugustuhan ko ang sem na to.

naku..sana nga!


November 24th, 2004

isa..dalawa..tatlo
POSTED AT 09:22 PM

1 dhil sa panloloko ng kapatid ko sa titser nya sa science sa friendster, na-expell sya.

Reaction dito? gagew ka kase! nde nman un malalan ng titser mo, kung nde ka umamin! (ate mode: "buti nakakatulog ka pa sa gabe? nde ka na naawa kala mama at papa," sagot ng kapatid: "....." speechless siya.)

Moral Lesson: makabubuting i-vandal nalang ang galit o sama ng loob sa CR o di kaya sa desk mo. siguraduhing wlang nakakita sau na nagsusulat dun! kung internet tlaga ang gusto mong outlet ng anger..pwede rin. basta wag mong sasabihin sa madaldal mong kaibigan o kaklase dhil isusuplong ka nito sa kinauukulan. pramis!

2 sympodium tungkol sa early involvement ng mga kabataan sa illegal and immoral chuvaness

Reaction dito? hands down for dr. telly, 3rd speaker..she takles more than the topic itself..from love, religion, government, culture, discipline, freedom, individualism, homsexuality, nationalism, education to life, etc. dame kong natutunan sa 4 butt-aching hours sa auditorium.. un ang tunay na hardcore..

the mother's womb was the first womb of life, the family was the first womb of civilization
true love waits
if your life is centered on MONEY, papel ka lang, sindihan ko man yan, sunog kana. if your purpose in education is to later on earn LOTS OF MONEY, ang babaw mo naman
1.) I-love you..2.) i-LOVE-you...3.) i-love-YOU..4.)I-LOVE-YOU
clue: ang tama daw ay ang pang 4th..

Moral Lessonang dame ko pang dapat alamin.

3 quiz tungkol sa current events

Reaction dito?putek! bket b ko nde nakapanuod ng tv kagabe??? kapatid pala ni ANGELITO NAYAN si mam grace nayan, eng 14 titser dito sa ceu..wla lang share!

Moral Lessondapat laging handa!
halu-halong pakiramdam!


November 25th, 2004

~~~for the last tym~~~
POSTED AT 06:42 PM

ito na lahat ang gusto kong sbhin..wla na kong doubt sa mga salitang sasabihin ko..basta e2 na ang lahat at ito na ang huli.

para to sau, khit alam kong nde mo nman to mababasa.

(except nalng kung...)

naiinis ako sau..alam mo ang labo mo, alam mo b yun? bkt b tayo nagiiwasan? nde naman tau magkagalet db? akala ok na, e bkt nde mo ko matingnan sa mata? bkt nde ka nagsasalita pag nsa malapit ako? bkt tumatahimik ka kapag kinakausap ko ang katabi mo? akala mo nde ko napapansin? sinubukan kyang kausapin nitong nagdaang mga linggo, peor mukhang hanggang text ka lang..at akala ko ok na ulet, pagkadting ng monday, parang nde nanaman tayo magkakilala. parang nde mo ko kilala. parang nde kita kilala o akala ko lang kilala kita? bkit parang hangin lang tayo kung naglalakad? khit isang dipa ang pagitan naten parang di nten makita ang isat isa? gnun ka ba kabilis magbago? o "magpalit anyo?"..bket ba? ano bang problema? tangna..malamig na kung malamig, kung ito ang gusto mo. sige. babay na.

bumuo ng pulbos sa hanging nagdaan
dalhin ng oras lamig ntin dun nakalipas
tulad ng bato makatabi nga tayo
tulad ng umaga't gabi mayroong distansya



wakas


e2 ako sa napagkasunduang gupit! susunod idare mo kong magpagupit ng bangs at magpakulay ng green...
pagod dhil sa research!


November 28th, 2004

bbbbbbb-boring day.
POSTED AT 01:45 PM

2 araw na ang nakalipas since nung last kong entry..

pake mo.

ang totoo ang daming kailangan tapusin..
1. ass kay cuevas
2. ass kay santi
3. review kay santi
4. review kay manalo
5. at syempre wag kakalimutan, ang praktis ng MIME..

putek! buti nga wla kmeng praktis bukas..pero sa tuesday hanggang sunday..puspusan na tlga ang praktis..kse next monday na ang NEON CONCERT!!!

well..kakatapos nga lang ng praktis ngaun.. sarap nang matulog..dumaan ako d2 sa rainbow.kase sarado twing linggo sila kuya chelpnet!

hayy.busy nga pero bkit parang boring?

****PARA SA MGA NAG-PM SKEN, yung piktyur ni BARBIE n kinuhanan ko nung LIBRENG CONCERT nasa EARLIER...ok na?
pilit ang ngiti


Website counter
Website counter


your name:

url:

your message: